PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo signals "move on" from Patrick-Jennylyn issue

Dennis Trillo: "Wag na tayong maiwan sa mga kasalanan ng nakaraan."
by Arniel C. Serato
Published 10 hours ago
Dennis Trillo humbly requests for everyone to move on from the issue
DennisTrillo: "Respeto ang mananaig today. Stop the hate and spread love... Ang pinaka importante pa din, ay natuto tayo sa ating mga pagkakamali at mag bago para sa ikabubuti, wag na tayong maiwan sa mga kasalanan ng nakaraan."
PHOTO/S: Arniel Serato

Tinuldukan na ni Dennis Trillo ang social media war niya laban kay Patrick Garcia at iba pang personalidad na nasangkot sa kontrobersiya.

Sa kanyang Threads account ngayong Martes, October 6, 2026, ibinahagi ni Dennis ang 2003 song ni Bob Marley and the Wailers na "Keep on Moving."

Sabi niya sa caption, ang pagrespeto sa kapwa ang mananaig simula sa araw na ito.

Itigil na rin daw ang mga kinikimkim na galit at ipalaganap na lamang ang pagmamahalan.

Nilagyan niya ito ng hashtag na "#moveon," bilang hudyat ng pagtapos sa isyung pinag-usapan nang husto.

Buong post ni Dennis: "Respeto ang mananaig today [heart emoji] Stop the hate and spread love [heart emoji] Remember… No Bashing, its 4 Fun [heart emoji] #moveon"

Dennis Trillo's post on Threads
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pa niyang post sa Threads din kahapon, October 5, sinabi ni Dennis na ang pinakaimportante sa lahat ay ang natutunang leksiyon mula sa mga nagawang kasalanan sa nakaraan.

Matuto raw sana lahat na magpakumbaba at magpatawad.

Buong post niya: "At the end of the day, ang pinaka importante pa din, ay natuto tayo sa ating mga pagkakamali at mag bago para sa ikabubuti, wag na tayong maiwan sa mga kasalanan ng nakaraan.

"Matutong magpakumbaba…magpatawad. Have a nice day Peace y’all [peace sign and symbol] #forgiveandforget #nomorehate"

Dennis Trillo's post on Threads
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ellen Adarna apologizes after "wild night" at Cebu fiesta

DENNIS'S "LAST INTERVIEW" ABOUT THE ISSUE

Bago ito, nagsabi na si Dennis na ang mahabang "ambush interview" niya sa Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026 ng Multi-Media Press Society of the Philippines (MMPress, Inc.) noong Linggo, October 4, ang kanyang huling pagsasalita sa isyu tungkol kay Patrick at sa asawa niyang si Jennylyn Mercado.

Sa panayam ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal), inihayag ni Dennis ang naging reaksiyon ng pamilya sa naging pahayag ni Patrick sa nakaraan nila ni Jennylyn may halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

Ginawa ito ni Patrick sa vlog ni Ogie Diaz noong September 29 kung saan ibinahagi niya ang kanyang panig sa masalimuot na pagtatapos ng relasyon nila ni Jennylyn noong 2008.

Si Jennylyn ay asawa na ngayon ni Dennis.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, "Siyempre nagulat, di ba, dahil siguro more than 20 years na, after 18 years bago, alam mo yun, napagdesisyunang magsalita, magkuwento.

"Nakakagulat lang dahil tahimik na yung lahat, at siyempre ayaw naman nating maungkat pa yung mga dating pinagtalunan dahil nakapag-move naman na ang bawat isa."

Nagpasintabi ang management ni Jennylyn na Aguila Entertainment at hindi raw magsasalita ang aktres ngunit ang asawa naman nitong si Dennis ang nagtanggal sa misis.

Wala raw napag-usapan ang dalawa tungkol dito.

Pero para kay Dennis, "Wala kaming usapan... Ako na lang talaga dahil siyempre pamilya ko yun, e.

"Walang ibang magtatanggol kundi padre de pamilya, di ba?

"Iyon yung panghunahing responsibilidad ng ama at tumatayo bilang tatay ng pamilya, di ba?

"Siyempre gagawin mo ang lahat para protektahan sila at all cost."

Read: Frankie Pangilinan greets Dan Laurel a “very alleged anniversary”

DENNIS TRILLO on GELLI DE BELEN, CHIKA CART

Nadamay rin ang actress-TV host na si Gelli de Belen dahil nahingan ito ng kanyang opinyon tungkol sa isyu nina Patrick at Jennlyn noong nag-guest ito sa bagong talk show ng GTV na Chika Cart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Gelli: “Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan yung anak ni Patrick…

“Sana wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusap at yun naman sila talaga ang pinakaimportante dahil yung mga magulang, mga nakatatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila.

"So sana let’s show the young ones what is right, what should be done, and not show them all this bad stuff.”

Hindi napigilan ni Dennis ang sarili at nagkomento ito mismo sa Instagram account ng Chika Cart nang mapanood niya ang clips ng naging opinion ni Gelli.

Saad niya: "nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko na lang sa ganyan.

"Oo kawawa talaga ang mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”

Sa interview ni Dennis sa Dekada Awards, nilinaw naman niyang wala siyang galit kay Gelli o sa kahit sinong tao.

"Wala naman akong nararamdamang galit kahit kanino.

"Yung naging reaksiyon ko ay hindi lang reaksiyon yon ng isang tatay na nagtatanggol sa pamilya at isang tatay na umiiwas na sa trauma.

"So, maaga pa lang nandun ako para harangin na kaagad yon at wala nang makapanghimasok pa at makapagdadagdag pa ng masasakit na mga salita."

Nilinaw naman ng kampo ni Gelli na wala itong kinakampihan, at ang tanging inaalala nito ay ang kapakanan ng mga batang nadadawit sa isyu.

Read: Dennis reacts to Gelli's comments on Patrick-Jennylyn issue

DENNIS ON POSSIBLE RECONCILIATION OF BOTH CAMPS

Hindi rin sinarado ni Dennis ang sitwasyong maaaring magkita muli si Patrick at ang anak nito kay Jennylyn na si Jazz.

"Sa totoo lang, wala namang problema dun.

"Ngayon, siyempre mas mahirap lang kasi nagkaroon ng ganyan. Pero lahat naman ito madadaan sa mabuting usapan.

"Alam mo yun, kung siguro dumirekta talaga siya sa amin at hindi idinaan sa ibang tao, hindi na siguro nagkaroon ng ganitong klaseng pag-uusap."

Sa huli, nais na ni Dennis na matapos na ang issue at ang bashing.

"Hiling namin siyempre matapos na lahat ng pamba-bash.

"Ayaw na nating mangyari yon dahil, oo, mga magulang involved dito, pero huwag na nating idamay ang mga bata dahil, at the end of the day, sila yung buhay natin, sila yung pinoprotektahan natin, sila yung mga mahal natin.

"And ayaw nating masangkot pa sila sa mga ganitong klaseng kaguluhan pa."

Bukas ba sila sa pakikipag-ayos kung sakaling mag-reach out ang kampo ni Patrick?

"Oo naman, lahat ng tao puwedeng bigyan ng second chance, di ba, kahit gaano pa kagrabe yung mga nagawa niya.

"Tao lang tayo. Lahat tayo, sa tingin ko, may karapatan... alam mo yun, puwede nating bigyan ng chance bawat isa para magbago."

Read: Dennis on wife Jennylyn, family: I’ll protect them at all cost

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DennisTrillo: "Respeto ang mananaig today. Stop the hate and spread love... Ang pinaka importante pa din, ay natuto tayo sa ating mga pagkakamali at mag bago para sa ikabubuti, wag na tayong maiwan sa mga kasalanan ng nakaraan."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results