PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patrick Garcia clarifies his family was never against Jennylyn

Star Magic vows action over harassment of Patrick's daughter, Michelle Garcia.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 1 Hour ago
Patrick Garcia denies family was ever against Jennylyn Mercado
Patrick Garcia addresses claims that his family opposed his relationship with Jennylyn Mercado. "That's not true, because from the very start, they were very supportive noong buntis si Jen. And when the time na siniraan ako ni Jen, of course, they knew the truth," he says.
PHOTO/S: Justine Navato/PEP File

Mariing itinanggi ni Patrick Garcia ang haka-hakang tutol ang kanyang pamilya sa naging relasyon nila noon ni Jennylyn Mercado, na ina ng panganay niyang anak na si Alex Jazz, 18.

Sa panayam niya kay Ogie Diaz na in-upload sa YouTube noong September 29, 2026, pinabulaanan ng aktor ang akusasyong hindi naging boto ang kanyang pamilya kay Jennylyn.

Patrick Garcia speaks out after 18 years on Jennylyn Mercado split
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Patrick: "That's not true, because from the very start, they were very supportive noong buntis si Jen.

"And when the time na siniraan ako ni Jen, of course, they knew the truth."

Ayon kay Patrick, kahit alam ng kanyang pamilya ang buong kuwento tungkol sa nangyari sa pagitan nila ng aktres noon, hindi raw sila nakialam sa kanyang mga desisyon.

Napasok lamang daw ang kanyang pamilya sa kontrobersiya nang piliin ng mga itong magsalita para ipagtanggol siya sa mga batikos at akusasyong natatanggap niya mula sa publiko.

Ito raw marahil ang dahilan kung bakit inisip ng ilan na hindi gusto ng kanyang pamilya si Jennylyn.

Ani Patrick, "So, noong time na hindi ako nagsasalita, 'cause I didn't wanna speak out, sila ang nag-speak out para sa akin.

"Sila nagde-defend sa akin, kasi I didn't want to. Parang hindi pa ako ready. Kaya sila ang naba-bash."

Batid ni Patrick kung gaano naapektuhan ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang yumaong ina na si Bing Garcia at nakatatandang kapatid na si Cheska Garcia, sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay na hinihingi niya ng tawad sa kanila.

Pahayag ng aktor: "I just wanna say sorry to my mom, to my sister, because all these years, you guys have been defending me and speaking out for me when I didn't choose to speak out.

"And because of that, kayo ang na-bash or nadamay kayo na dapat ako lang bina-bash, nadamay kayo.

"So, I'm sorry.

"And in the same way, I say thank you also for loving me and for protecting me all those years."

Maaaring ang tinutukoy ni Patrick na pagdepensa sa kanya ng kanyang ina at kapatid ay ang pagharap ng mga ito sa media noon, habang siya ay nasa ibang bansa.

Read: Chesca Garcia on Patrick Garcia-Jennylyn Mercado issue: "Dapat tapos na 'yon, kasi nakakasawa."

Sa kalagitnaan ng pagbubuntis ni Jennylyn ay pinili ni Patrick na mangibang-bansa.

Dahil dito, ang kanyang ina at kapatid na si Cheska ang palaging natatanong tungkol sa relasyon nila ni Jennylyn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Patrick Garcia's mom to Jennylyn Mercado: "Knock and the door will be opened, ask and it shall be yours."

Naging magkarelasyon sina Patrick at Jennylyn noong 2007.

Noong January 2008, inanunsIyo ng dalawa sa publiko na nagdadalantao ang aktres.

Ngunit makalipas lamang ang isang buwan, noong February 2008, tinapos nila ang kanilang relasyon.

Hanggang noong August 16, 2008, isinilang ni Jennylyn si Alex Jazz.

Patrick faces backlash over sharing past with Jennylyn

Katakut-takot na batikos ngayon ang kinakaharap ni Patrick matapos niyang ibahagi ang kanyang panig tungkol sa naging hiwalayan nila ni Jennylyn, makalipas ang halos labing-walong taon.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

Paliwanag ng aktor, nagdesisyon siyang ihayag ang kanyang panig dahil sa natatanggap na batikos ng kanyang pamilya, partikular na ng kanyang anak na si Michelle Garcia, na aniya'y nadadamay sa nakaraan nila ni Jennylyn.

Si Michelle, 13, ang panganay na anak ni Patrick sa asawang si Nikka Martinez-Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash

Sa nasabing panayam, itinanggi ni Patrick na iniwan niya si Jennylyn noong buntis ang aktres sa kanilang anak na si Alex Jazz.

Ayon kay Patrick, hindi umano siya nakapiling ni Jennylyn noong nagbubuntis hanggang sa manganak ito dahil mismong ang aktres ang ayaw na makasama at makita siya.

Ito'y kahit pa handa naman daw siyang panindigan ang pagiging ama sa kanyang mag-ina.

Read: Jennylyn Mercado remains firm in keeping her son away from Patrick Garcia

Naging bukas din si Patrick sa pagtalakay sa kawalan ng relasyon niya sa kanyang panganay na anak na si Alex Jazz.

Kuwento ni Patrick, magdadalawang taon na si Alex Jazz nang una niya itong makita nang personal.

Mula raw kasi nang magkahiwalay sila ni Jennylyn at siya ay mangibang-bansa noong 2008, hindi na siya nakipag-ugnayan sa aktres.

Pag-amin din ng aktor, may kinalaman sa pagbibigay niya ng sustento kung bakit naputol ang relasyon nila noon ni Alex Jazz.

Read: Patrick Garcia admits being an “inconsistent” father to Jennylyn Mercado's son

Jennylyn declines to comment on Patrick's revelations

Sa kabila ng muling pag-ingay ng kanilang mga pangalan, tumanggi namang magbigay ng komento si Jennylyn sa mga naging pahayag ni Patrick.

Sa pamamagitan ng Aguila Entertainment, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ni Jennylyn, sinabi nitoNG karapatan ng sinuman na ilahad ang kanilang istorya sa anumang platform na kanilang naisin.

Ngunit sa pagkakataong ito raw ay pinili ni Jennylyn na huwag ilahad ang kanyang panig bilang respeto sa privacy at peace of mind ng pamilya ng aktres at ng pamilya ni Patrick.

Read: Jennylyn stays silent, Dennis reacts to Patrick revelations

Hinihiling ni Jennylyn sa publiko na itigil na ang poot at iwasan ang pamba-bash sa pamilya ni Patrick, partikular na sa anak nitong si Michelle Garcia.

Star Magic vows action against harassment of Michelle

Samantala, naglabas ng pahayag ngayong Huwebes, October 1, ang Star Magic, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ni Michelle.

Hiniling ng Star Magic sa publiko na huwag nang idamay si Michelle sa mga usaping may kinalaman kina Patrick at Jennylyn, na nangyari bago pa siya ipanganak.

Nagbabala rin ang Star Magic na handa silang gumawa ng nararapat na hakbang laban sa mga taong magpapatuloy sa pangha-harass kay Michelle, na menor de edad pa lamang.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag: "Star Magic is deeply concerned about the hurtful comments directed at our artist Michelle Garcia, who is only 13 years old.

"We ask the public to refrain from involving Michelle in matters concerning adults, that happened before she was born.

"We are prepared to take appropriate action against those who continue to harass Michelle, in accordance with laws protecting children from abuse and libel.

"We continue to support Michelle and look after her well-being."

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia addresses claims that his family opposed his relationship with Jennylyn Mercado. "That's not true, because from the very start, they were very supportive noong buntis si Jen. And when the time na siniraan ako ni Jen, of course, they knew the truth," he says.
PHOTO/S: Justine Navato/PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results