Nasa tamang edad na sina Katrina Halili, 40, at boyfriend na si Kris Lawrence, 44, para magpakasal.
Meron na rin silang anak, si Katie, 14.
Toong 2013 nang sila ay maghiwalay.
Pero pagkatapos ng labindalawang taon, noong September 13, 2026, nagkabalikan muli sila.
Kasalan na ba ang susunod na pag-uusapan ng reunited couple? Simbahan na ba ang kasunod nilang destinasyon?
Sagot ni Katrina: "Ah, sa ngayon, e, ay, hindi po natin alam kay Kris.
"Pero sa ngayon, okay po kaming dalawa, like, nagtutulungan kami kay Katie pati na rin sa akin, sa bahay ko, sa health ko, health niya, health ni Katie.
"Sa ngayon, yun pa lang yung alam ko."
Dito na rin nagkuwento si Katrina tungkol sa investment nilang dalawa ni Kris—ang pagbili ng property.
"Actually, bumili na nga rin kami ng ano, may binili kaming lupa, dalawa," pag-amin ng aktres.
Senyales ito na seryoso sila sa kanilang relasyon.
Pagpapatuloy ni Katrina: "Oo, pero hindi natin alam saan tayo pupunta. Basta okay lang yan, sige, go lang tayo. Hindi natin alam kung saan tayo pupunta.
"Hindi ko po alam po anong isasagot natin diyan. Basta sa ngayon, happy po kami. Masaya kami, nagtutulungan kami."
Dagdag ni Kris: "Well, I guess, to be honest with you, I do have a vision of where we're gonna go.
"But I think I'm gonna keep that to myself. I've always been a man of action and less talk.
"I'll do action instead. But, I do have a vision of where we're going."
Ngayong rekindled na ang relationship nila, ano ang nais gawin ni Kris para mas lalo pa itong mapaganda?
Sagot ng R&B singer: "I have a lot more life experience now and I know...
"I don't wanna say it like this, but I kind of know what to do already because of, you know, what I've been through in the past.
"And because I know, kind of, what to do with my life, I apply it to their life as the padre de familia right now.
"So, I know my role and then I just have to do my role as the man of the family.
"And when you know your role, everything becomes so much easier."
Malaking bagay na nagkakaintindihan sila bilang "magkatuwang" sa buhay.
Lahad ni Katrina: "Ako, ayun. Siyempre, communicate, yes. Communication lang po and talagang magtulungan talaga kami kay Katie na nakikita ko namang ginagawa naman po namin talaga ngayon.
"And yun, yun sa future, ginagawa din po namin, nag-iipon din po talaga kami para sa future din ni Katie."
Nakakuwentuhan ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sina Katrina at Kris sa launching nila bilang bagong endorsers ng Luxe Slim ng negosyanteng si Anna Magkawas.

Ginawa ang presscon at contract signing sa Alimento Restaurant sa Molito, Alabang, Muntinlupa City kahapon, October 7, 2026.
Read: Katrina Halili, Kris Lawrence speak about second chance at love
katrina, kris: love is lovelier the second time around
Ngayong nagkabalikan na sila, naniniwala ba sila sa kasabihang "Love is lovelier the second time around?"
Sagot ni Kris, "In this instance, yes. For us, I mean for me ha, for me, this time around, yes."
Maiksing sabi ni Katrina, "Yes, mas okay kami ngayon po."
Minsan ba sumagi sa isipan nila noong magkakabalikan sila in the future?
Sabi ni Katrina, "Ah, yun nga, sabi ko nga, boom. E, wala, wala. Hindi ko iniisip. Wala po.
"Tsaka sabi ko last year ayaw ko na rin mag-boyfriend. So wala, hindi ko naisip."
Ayon kay Kris: "Kung naisip ko kung magbalikan kami, hindi ko masyadong inisip because I just easy-go-lucky nga. So you take it day by day.
"So if, so reading and basing off her energy, ano siya, e, di ba? No talaga, no.
"So if I'm watching her interviews and I'm hearing her say publicly no, why am I gonna force myself into her life, di ba?
"So I heard it from her mouth, no. Okay, then I have to live my life. She's gonna live her life, I live my life."
Noong magkarelasyon pa sila, parang wala pa sa kanilang isipan ang maging seryoso sa kanilang mga responsibilidad sa buhay.
Si Kris, parang naging "easy-go-lucky" pa noon.
Komento niya, "Well, I think lahat naman tayong dumaan diyan sa easy-go-lucky because, you know, we were all kids at one point."
Read: Annette Gozon-Valdes meets with Willie Revillame; here's why
