Pinakilig ng KKK (Katrina, Kris, Katie) family ang balitang nagkabalikan na ang idolo nilang sina Katrina Halili at Kris Lawrence.
Ang anak mismo ng dalawa na si Katie ang nagbunyag sa YouTube video nila noong September 27, 2026 na back in each other's arms na ang dalawa.
Sigaw ni Katie sa vlog: "Sila na po. Sila na po!"

Read: Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together
KATRINA AND KRIS: BETTER TOGETHER
Ngayong tanghali ng Miyerkules, October 7, 2026, inilunsad bilang bagong endorsers ng Luxe Slim Beauty Smoothie (Cantaloupe Melon and Avocado) sina Katrina at Kris.
Sabi ni Kris, "We just wanna say thank you so much for welcoming us Miss Anna [Magkawas], maraming salamat. We're very, very excited for our new journey with Luxe Beauty.
"And I love the better together [theme] because that's something that we realized that we are better together."

Ano ang masasabi ni Katrina sa theme na "better together?"
Aniya, "A, perfect. Perfect, di ba? Siyempre sa journey na nangyari sa amin. Yun nga, better together.
"Swak din talaga po ata sa amin. And siyempre alam naman po ng lahat na ngayon lang din kami ni Kris na naging magkasama ulit. Yun na yung naramdaman ko, better together. Sa bahay."
Dagdag ni Kris, "Better together and actually stronger together."
Read: Ellen Adarna apologizes after "wild night" at Cebu fiesta
KATRINA, KRIS AFTER 12 YEARS OF BEING AWAY FROM EACH OTHER
Halos labindalawang taong nawalay sa isa't isa sina Katrina at Kris nang magkaroon sila ng kanya-kanyang buhay.
Pero, mayroon silang isang anak na si Katie.
Sa open forum ng endorsement launch, kunsaan isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naimbitahan, nausisa ang dalawa tungkol sa kanilang panibagong yugto ng buhay.
Ngayong nagkabalikan na sila, ano ang nakita nilang pagbabago sa isa't isa?
Sabi ni Katrina: "Siyempre ano, 12 years, sobrang tagal po na panahon yan. Isang dekada.
"Siyempre mas mature, mas ano, responsable kami ngayon. Mas, alam mo yun, mas inaalagaan namin yung sarili namin. Kaya mas nag-mature. Yes.
"Ang pangit naman kung di nag-mature, 'no?"
Dagdag ni Kris: "I think after twelve years, siyempre naging wiser.
"So naging wiser sa mga choices in life. Ang dami naming experiences siyempre after 12 years, and through experiences we always learn, right?
"So, mas may direksyon na yung buhay. Mas intentional na yung mga choices and yun nga, better together.
"And in this new journey of ours, at least, nag-iisa lang yung direction namin sa buhay ngayon."
Taong 2013 naghiwalay sina Katrina at Kris.
Kailan nila na-realize na bigyan ng panibagong pagkakataon ang kuwento ng kanilang naputol na pag-iibigan?
Sagot ni Katrina: "Ako, siguro nung naramdaman ko na si Kris talagang ano na, may direksyon na.
"Parang nakita ko na alam mo yung parang tatay na talaga, parang ganun.
"Nagpapakatatay siya, inaalagaan niya kami ni Katie. Yun. Siguro nung naramdaman ko yan."
Sabi naman ni Kris: "Honestly, I feel like I was just waiting for her.
"So yun. So, nung January, siyempre when she decided to let bygones be bygones and we started from a friendship... Everything developed from a friendship because, yun, naging magkaibigan kami.
"Yung co-parenting namin naging maayos. And then, you know, we got a little closer by what's happened and then, the rest is history."
Dagdag ni Katrina: "Ayun din naman po yung nagustuhan ko kasi, at first wala naman po talaga kaming... I mean, wala naman sinabing manliligaw ganyan.
"Nag-start talaga po kami na naging magkaibigan kami. Nakilala namin yung isa't isa. So ayun. So walang rush, walang kahit ano."
Sabat naman ni Kris: "The new persons we're getting to know each other.
"Kasi siyempre after 12 years, for those that love astrology, 12 years is a whole cycle, right?
"So, parang naging panibagong Kris ako, naging panibagong Katrina din siya.
"So when we started to get to know each other again, the new persons started to get to know each other to see if we were compatible. And mukhang compatible."
Read: Aiko Melendez and Onemig Bondoc are engaged
KATRINA: "nag-connect sa amin po is Katie."
Sa panayam ng PEP.ph kay Katrina noong Mayo, sinabi niyang malaking bagay talaga sa kanilang reconnection ni Kris ang anak nilang si Katie.
Lahad ni Katrina: "Yung main na nag-connect sa amin po is Katie.
"Kasi, last year kasi, marami akong realization. Marami akong naisip na parang, andami kong pagkakamali sa anak ko na ako yung kasama.
"So, kung anuman po yung tingin ko na mga pagkukulang ni Kris bilang tatay kay Katie, e, isantabi ko na.
"Makipagtulungan na lang ako sa... alam mo yung maging okay na.
"Kasi dati, civil lang kami. Civil lang kami.
"Parang, 'Puntahan mo si Katie, okay. Kung ayaw mo, di huwag. Magbigay ka, okay. Kung ayaw mo, di huwag.'
"Tapos, nagna-nod lang ako tuwing nakikita ko siya. Never kami nag-uusap.
"So, parang last year, parang marami akong realization na natatakot ako. Pag nawala ako, paano yung anak ko, mga ganun.
"So, parang yon, hanggang sa in-open ko na yung sarili ko na maging okay na kami ni Kris."
Read: Katrina Halili clarifies relationship status with Kris Lawrence
KATRINA ON KRIS: "MAY KATUWANG"
Ngayong back in each other's arms na ang dalawa, may mga bagay daw na gumanda silang nararamdaman sa buhay.

Ayon kay Katrina: "Ako, ako naramdaman ko talaga na mas maganda kasi mas madali, mas may katulong na ako.
"I mean, sa maraming bagay kasi tinutulungan na ako, tinutulungan na ako ni Kris ngayon pag may mga problema ako or kay Katie, talagang dalawa na talaga kami.
"And talagang naramdaman ko yung gaan na may kasama, na may katulong, may katuwang."
Sundot ni Kris: "Everything honestly just feels like it was just falling into place.
"And based on all of our life experiences, when things just fall into place, and it just happens, and then parang nagdire-diretso lahat, it really makes you feel like you're on the right track.
"So that's what I felt with her. That's why I always told her we're better together, we're stronger together.
"Tapos siyempre si Katie, ang laki-laki ng improvement nung nagsama kami ulit ni Katie. Her smile is different.
"The way she talks to people now is totally different. Para siyang, para siyang tao.
"Para na siyang tao na you can actually have a conversation with.
"And then you can tell her to do things, nauutusan na namin sa mga bagay-bagay.
"And she's learning a lot about life very, very rapidly. So it just feels like we're going in the right direction."
Dinugtungan naman ni Katrina ang sinabi ni Kris tungkol sa pagbabagong nakita nito sa anak.
Ani Katrina: "About yung sa parang tao, tao talaga si Katie.
"Ang ibig niya sabihin is pag nakaka... kasi as parents, alam po natin yan na bawat steps po ng mga... small things lang na ginagawa ng mga anak natin, ang laking bagay sa atin.
"So ang nangyari is parang si Katie, natutong makipag-usap sa amin.
"Mas nagkaroon siya ng... mas may puso. Parang nararamdaman ka na niya kapag, pag nasasaktan ka, alam niya nasaktan ka, ganyan. Magso-sorry siya, ganun. So ayan, ganun."
Dagdag na paliwanag ni Kris: "I mean kasi siyempre bata, di ba?
"But whenever they get older, now you feel like you're talking to someone like a friend you know. So that's, that's how we feel about Katie now.
"She's like a friend now."
Saad ni Katrina, "Parang yung [kapag] may sinabi siya, 'Ay, naintindihan na niya talaga.' Ganun.
"So yung mga ganung bagay, mga maliliit lang. Kung sa ibang tao maliit lang yung mga ganung bagay, sa amin malaki."
Read: Frankie Pangilinan greets Dan Laurel a “very alleged anniversary”
