Nalilinya ngayon sa comedy films ang content creator na si Malupiton o Joel Ravanera sa totoong buhay.
Nakilala siya sa paggawa ng mga nakakatawang contents sa social media.
Ngayon, bida na siya sa sexy-comedy film na He's Dating a Boldstar katambal ang Kapuso actress na si Analyn Barro.

Bago pa ang media conference ng pelikula noong October 9, 2026, nakausap ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Malupiton.
Sino ang paborito niyang comedians sa bansa?
"Michael V!" mabilis niyang sagot.
Pero inaasam daw niyang maibalik ang estilo ng komedya noong '90s, kung saan namayagpag sina King of Comedy Dolphy, Babalu, at Rene Requiestas.
Saad ni Malupiton: "Pero yung mga dati po. Kasi gusto ko po kasi talaga ano, ibalik yung '90s era na comedy.
"Kasi nawala na ho yun, e. Unti-unti na siya nawawala.
"E, gusto ko pag nakapanood kami ng tao, unti-unti nilang maalala yun, kung sino yung haligi talaga.
"Sila Dolpy, sila Babalu, sila Rene Requiestas. Ang dami nilang mga ano... yung mga komedyante na yun mga idol ko yun."
Sa kapanahunan naman ngayon, si Michael V daw talaga ang idol niya.
Nanghinayang nga siyang hindi natuloy ang guesting niya sa Kapuso gag show na Bubble Gang.
"Siyempre mag-guesting ako sana ako sa Bubble Gang, tsaka hindi lang siya natuloy kasi nag-resched.
"E, yung resched, pagka-resched yung date na available, na available sila, hindi ako available kaya hindi ako natuloy."
Paano siya napasok sa showbiz from doing contents sa social media?
Lahad niya: "Nagba-vlog lang po kami. Nagko-content-content kami. Hindi naman namin alam na may ganito, na may ganyan.
"Wala, gusto lang namin. Gusto lang namin magpasaya. Wala kaming ibang pakay.
"Kasi yung mga dumating, bonus na lang po, e. Kasi focus talaga namin makapagpasaya kami, makapagtanggal kami ng stress. Ganun lang.
"Wala pa kaming ibang pakay. Hindi namin alam na dadalhin ako dito ni Lord sa ganito, sa showbiz."
Read: Who is Mikhail Schemm, Sarah Lahbati's rumored beau?
MALUPITON ON NEW FILM: "medyo naluluha-luha ang bida dito."
Kilala siya ng fans sa pagpapatawa, pero sa He's Dating A Boldstar ba ay may makikitang eksenang seryoso siya?
Ani Malupiton: "Yes. Meron, meron. Medyo ano dito... medyo naluluha-luha ang bida dito.
"Pero nakakapag-adjust naman siyempre na hindi ako magaling talaga yung iyak-iyak.
"Medyo may ano ako doon, e. Sorry for the word, ha. Okay lang ba? Mukhang b*r*t ako pag umiiyak ako."
Medyo may ilang eksenang sexy sa movie.
Nadadala ba siya sa kaseksihan ni Analyn?
Natatawa niyang sagot, "Hindi po. May asawa po ako, e.
"May asawa po ang bida. Actually, kinasal na po. Kinasal po ako ako last year."
Bukod kina Malupiton at Analyn, kasama rin sa He's Dating A Boldstar ang Kolokoyz TV, Dominic Biong, Joshua Padigos, Aleck Bovick, Leandro Baldemor, at Rob Sy.

Ito ay mula sa direksiyon ni Niokz Arcega.
Ipapalabas na ito sa mga sinehan simula sa October 28.
Read: Analyn Barro "bawal yung tagung-tagong skin" in this TV show
