PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens slam Machong Chismisan podcast for mocking Josh Aquino

Machong Chismisan hosts draw criticism over remarks about Josh Aquino.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 9 hours ago
machong chismisan podcast
The Machong Chismisan podcast hosts are facing online backlash after a viral clip showed them making insulting remarks about Kris Aquino’s eldest son, Josh. Fashion designer Michael Leyva defended Josh, while the Autism Society Philippines condemned the remarks and called for accountability.

Umani ng matinding batikos mula sa netizens ang mga host ng Machong Chismisan podcast matapos nilang gawing katatawanan ang kalagayan ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino.

Sa kumalat na video clip online, mapapanood ang limang kalalakihang hosts ng nasabing podcast na pinag-uusapan ang kasikatan at impluwensiya ni Kris, maging ng kanyang pamilya.

Read: Kris Aquino says she tamed her kaartehan by 30%

Dito nabanggit din ang dalawang anak ni Kris na sina Bimby at Josh, na ikinumpara ang mga ito ng isang host.

“Si Bimby sobrang okay na anak, si Josh walang kuwenta, e,” pahayag ng isang co-host na kinilala ng netizens na si Tito P.

Sinundan pa ito ng komento ng isa pa niyang co-host tungkol sa umano’y baon ni Josh na PHP3,000 kada araw sa tuwing pumapasok ito sa eskuwelahan.

Natatawang sabi rito ni Tito P, "Tapos, nakatunganga lang siyang ganoon?”

Bagamat maririnig din ang pagtawa ng ilan niyang kasamahan sa podcast, may isa siyang co-host na pinigilan siya at sabihing "low blow" o nakakainsulto ang kanyang mga banat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens call out Machong Chismisan podcast for mocking Kris Aquino’s son Josh
Photo/s: Reddit

Bagay na sinang-ayunan ng maraming netizens na nakapanood sa viral video.

Ayon sa netizens, nakakadismaya ang paraan ng pagtalakay ng mga host kay Josh, ito'y kahit na sabihing "for fun" o parte lang ito ng kanilang komedya.

Read: Kris Aquino promises to "fight until the end" for her sons

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lingid sa kaalaman ng marami, na-diagnose na mayroong autism spectrum ang panganay na anak ni Kris.

Ayon sa Mayo Clinic, ang Autism Spectrum o Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang kondisyon sa development ng utak na nakaaapekto sa paraan ng pakikipag-usap, pakikisalamuha, pagkatuto, at pag-unawa ng isang tao sa mundo sa paligid niya.

Dahil dito, kinuwestiyon ng netizens kung bakit ginawang katatawanan ang isang taong hindi naman sangkot sa anumang kontrobersiya.

May mga pumuna rin sa paggamit ng kondisyon ni Josh bilang paksa ng biro para sa online content at entertainment.

Michael Leyva Defends Josh After Podcast Hosts Mock His Disability

Isa sa mga pumuna sa ginawa ng mga podcast host kay Josh ay ang fashion designer at malapit na kaibigan ni Kris na si Michael Leyva.

Sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules, October 14, kinondena ni Michael ang pagdawit kay Josh, lalo na ang mga komento tungkol sa kondisyon nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasa sa kanyang post: "I just found out that there's a video circulating online of these grown men making fun of Kuya Joshua Aquino.

"Making Kuya Josh the subject of your so-called Machong Chismisan podcast and mocking his disability is not something that I or any of us should simply let slide."

kris aquino sons bimby josh
Josh, Kris, and Bimby (left to right).
Photo/s: @krisaquino on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalarawan pa ni Michael, isang mabait at matalinong bata si Josh na nararapat makatanggap ng pagmamahal at suporta.

Saad niya: "Kuya Josh is a genuinely kind and intelligent person who deserves all the love and support this world has to offer, not the hurtful words you used to make fun of him.

"It is not funny, and it will never be funny."

Read: Bimby is straight, according to close friend of Kris Aquino

Hindi rin pinalampas ng kilalang fashion designer ang pagtanggal ng kontrobersiyal na video sa YouTube channel ng podcast.

Habang isinusulat kasi ang artikulong ito, hindi na makikita sa YouTube ang nasabing episode.

Aniya, "Deleting the video from your YouTube channel will not make this issue go away. The internet keeps receipts. Good luck."

Autism Society Philippines condemns Machong Chismisan hosts for mocking Josh, cites law against PWD Ridicule

Bukod kay Michael, nakaabot na rin sa kaalaman ng Autism Society Philippines (ASP) ang ginawang pangungutya kay Josh.

Sa isang pahayag, kinondena ng ASP ang paggamit ng kapansanan bilang katatawanan at nagpaalala sa kahalagahan ng paggalang sa persons with disabilities (PWDs).

Pahayag nila: "Making fun of persons with disabilities for views, laughs, or viral engagement is not automatically protected by the excuse of comedy.

"A person’s disability is not a punchline, and humiliation is not entertainment."

Idiniin din ng ASP ang Republic Act No. 7277 o ang Magna Carta for Persons with Disabilities, na nagtatakda ng mga karapatan at proteksiyon para sa mga PWD.

Partikular ding tinukoy ng organisasyon ang Republic Act No. 9442, na nag-amyenda sa RA 7277 at tahasang nagbabawal sa public ridicule at vilification ng persons with disabilities.

Ayon sa ASP, maaaring magkaroon ng legal consequence ang mga gawaing lumalabag sa mga probisyon ng batas.

"Under the Philippines’ Magna Carta for Persons with Disabilities (Republic Act No. 7277), acts of discrimination and abuse may carry legal consequences.

"Republic Act No. 9442 explicitly prohibits public ridicule and vilification of persons with disabilities. The law carries penalties for violations.

"Creators and podcasters have influence—and responsibility.

"Before publishing a video, recording a podcast, or joining a viral pile-on, ask: Does this content challenge prejudice or reinforce it?

"Are we criticizing an idea or humiliating a person because of disability?"

Dagdag pa nito, dapat suriin kung ang isang content ay pumupuna sa isang ideya o nanghihiya lang ng isang tao dahil sa kanyang kapansanan.

Maaari naman daw bumuo ng audience ang mga creator sa pamamagitan ng pagkamalikhain, kaalaman, at talas ng isip sa halip na sa pamamagitan ng paglapastangan sa dignidad ng ibang tao.

Saad nila: "The Autism Society Philippines opines that the digital world is not beyond the reach of accountability.

"Free expression comes with responsibility. Build an audience through creativity, insight, and wit—not by stripping others of their dignity."

Sa huli, nanawagan ang ASP sa management ng Machong Chismisan na The Pod Network na gumawa ng aksyon laban sa mga content creator at podcaster na sangkot sa insidente.

Anila: "The ASP is calling for the censure of these content creators and podcasters by their management (The Pod Network, in this case), their platforms and the government.

"Disability inclusion is a matter of rights, not personal preference. Make content that informs, entertains, and respects.

"Because when the joke depends on making someone less human, the problem isn’t the audience that gets offended. It’s the creator who thinks cruelty deserves applause."

Read: Sarah Lahbati celebrates birthday with rumored boyfriend Mikhail Schemm

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Machong Chismisan podcast hosts are facing online backlash after a viral clip showed them making insulting remarks about Kris Aquino’s eldest son, Josh. Fashion designer Michael Leyva defended Josh, while the Autism Society Philippines condemned the remarks and called for accountability.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results