PEP Rewind: Kris Aquino on what she's going to do to bashers
by Rommel R. Llanes Dahil sa kontrobersiyang dulot ng mga komentong pinakawalan ng hosts ng podcast na The Machong Chismisan, binalikan tuloy ng ilang netizens ang lumang interview ni Kris Aquino na lumabas sa YouTube channel ng PEP.ph o PEP TV.
Read: Netizens slam Machong Chismisan podcast for mocking Josh Aquino
Sa nasabing interview ng actress-TV host, tinanong ito kung ano ang kanyang gagawin sa mga namba-bash sa kanya.
Kasagsagan ito ng panahon noon na pinupuna ng mga kritiko ni Kris ang bawat galaw niya, na pati ang mismong pagkain niya at ng kanyang mga anak habang nasa kama sila ay nalait pa.
Tugon ni Kris, aminado siyang "nag-i-snap" o pumapatol naman daw siya minsan. Pero natutunan na niyang piliin ang kanyang battles.
Pero kapag ang mga mahal niya sa buhay, ang pamilya, at lalo na ang kanyang mga anak ang ininsulto ng kanyang bashers, humanda raw ang mga ito.
Aniya pa, "Tell me where you are. Because naka-retainer sa akin si Attorney Sig Fortun. Mahal siya at magaling siyang lawyer. So kaya ko.
"'Pag bata, e... Yung gano'n, do not... Sabi ko, any mother would be like...
"If you criticize me about my makeup, my hair, my whatever, my kaartehan, no big deal.
"But if it's integrity ng pamilya ko, if it's my children, or the legacy of my parents, ay, be ready for a fight."
#PEPVideo #PEPInterviews #PEPNews #PEPRommel
Video: Noel Orsal
Edit: Rommel R. Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Watch more videos at https://www.pep.ph/videos
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts





