Naospital si Claudine Barretto base sa post niya nitong October 12, 2026.
Sa Instagram makikita ang larawan ng aktres na nakasuot ng patient gown ng Saint Luke's Medical Center.
"Back here again," ang maiksing sabi niya sa caption.
View this post on Instagram
Sabi pa niya sa isang post, "Father you are king over the flood. I will be still,k now you are God."
View this post on Instagram
Nagpasalamat naman siya sa mga dumalaw na kamag-anak at kaibigan katulad nina Jay-Jay Barretto at Ruffa Gutierrez.
View this post on Instagram
Sabi niya kay Ruffa: "Thank you for being a Friend & Sister. i super appreciate you @iloveruffag you & your whole amazing family.you are the sweetest.i love u beautiful"
View this post on Instagram
Read: Baron Geisler and Jamie Marie Evangelista attend couples' retreat
NETIZENS NOTICE CLAUDINE BARRETTO'S ARMS
Sa post niya tungkol sa pagpapasalamat sa kuya niyang si Jay-Jay, napansin ng netizens ang braso ng aktres.

Ang tanong nila: "Dislocated" daw ba ang kanyang braso?
May netizen namang ni-link ito sa pagpaparetoke, at ang kanyang komento ay umani ng reaksiyon.
Narito ang bahagi ng palitan nila ng mensahe:

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey
CLAUDINE SLAMS FAKE NEWS ABOUT HER HOSPITALIZATION
Ang usapan ng netizens ay ibinalita ng isang tabloid na ang headline ay: "CLAUDINE BARRETTO, SUMAILALIM SA OPERASYON DAHIL SA IPINARETOKENG BRASO."
May ilang vloggers na ginawa rin itong balita.
Pero ayon sa aktres, "FAKE NEWS" ang mga ito.
Wala siyang ibinigay na anumang paliwanag.
Hindi rin niya binanggit ang dahilan ng pagkakaospital.
Ayon sa most recent post ni Claudine, nakalabas na siya ng ospital.
Bahagi ng kanyang caption, "Finally home.Thank u for all your Prayers. pls continue to pray for my speedy recovery."
Get well soon!
Read: Bianca Manalo opens up about breakup with SP Sherwin Gatchalian
