PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikko Natividad calls out customer over coffee-shop incident

Nikko Natividad: "Ano kaya gusto nyong maramdaman ko sa ganito?"
by Arniel C. Serato
Published 8 hours ago
nikko natividad coffee shop
Nikko Natividad expresses his frustration after a social media post shows a young boy apparently urinating near his coffee shop, Ca Phe Xanh, in Timog, Quezon City. On Instagram on October 16, 2026, the actor shares a post originally uploaded by an account that tagged him in a photo of the incident. The uploader’s caption read, “Sorry @nikkonatividad Nailabas na nya,” accompanied by a laughing emoji.
PHOTO/S: Instagram

Umalma si Nikko Natividad sa ginawang kabastusan umano ng isang customer ng kanyang coffee shop.

Sa Instagram ngayong Biyernes, October 16, 2026, ibinahagi ni Nikko ang isang tagged post sa kanya kung saan makikita ang harapang bahagi ng pag-aari niyang Ca Phe Xanh coffee shop sa Timog Avenue, Quezon City.

Makikita sa larawan ang isang batang lalaking nakatalikod na tila umiihi sa may gilid ng coffee shop.

Caption ng uploader: "Sorry @nikkonatividad Nailabas na nya [laughing emoji]"

nikko natividad post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan’s Josh mockery

NIKKO NATIVIDAD: "PROUD pa kayo na makita kO?"

Sa caption ng post, hindi itinago ni Nikko ang kanyang pagkainis sa ginawa ng diumano'y customer.

Ayon sa aktor, kahit nakikipagbiruan siya sa netizens sa kanyang mga post, hindi naman daw ibig sabihin nito ay isasantabi na ang pagrespeto sa bawat isa.

Himutok ni Nikko (published as is): "Pinicturean nyo muna bago nyo pigilan.??

"Ano kaya gusto nyong maramdaman ko sa ganito? Matutuwa ako? Nakikipagbiruan po ako kahit kanino pero sana marunong parin tayo rumespeto.

"Kung di nyo ako or yung negosyo ko kaya respetuhin at least yung mga ibang customer na nasa gilid man lang."

Ikinagalit din ng aktor ang pag-tag pa sa kanya at tila "proud" pa sa ginawa nila.

"Alam kong bata yan at hindi ako galit sa bata pero yung ipost nyo at itag nyo pa ko eh 'PROUD' pa kayo na makita ko [face with tears emoji]

"Pag nareklamo naman kami ng mapanghe hindi naman sa inyo ang balik kundi sakin at sa negosyo namin [face with peeking eye emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

NETIZENS SLAM ALLEGED CUSTOMER

Hindi naman nakatiis ang netizens at sinupalpal ang anila'y "squammy" na customer.

Netizens on Nikko natividad

Binastos daw umano ng mga ito ang negosyong pagkain at inumin pa naman ang inaalok.

Netizens on Nikko natividad
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nawat Itsaragrisil slams Miss Grand Ecuador national director

NO APOLOGY FROM UPLOADER

Sa kasunod na post ni Nikko, sinabi nitong ang uploader pa raw ang may ganang magalit sa kanya dahil ipinost ng aktor ang larawan.

Sa halip na humingi ng paumanhin o dispensa, ito pa raw ang galit.

Ani Nikko: "Minessage nya ako ngayon at hindi ako pwede magreply sa kanya (nka private na).

"Bakit ko daw pinost burahin ko daw. Unang una ale kayo ang nag post at hindi ako.

"Naka mention pa nga ako. Nirepost ko lang. KUNG HINDI KA NAGPOST PAPALAGPASIN KO NAMAN.

"Proud pa nga kayo na pinost yan imbis na mag PM sakin at mag sorry ginawa nyong katatawanan."

View this post on Instagram

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)

Read: Malupiton wants to revive ’90s comedy; names Michael V as idol32

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikko Natividad expresses his frustration after a social media post shows a young boy apparently urinating near his coffee shop, Ca Phe Xanh, in Timog, Quezon City. On Instagram on October 16, 2026, the actor shares a post originally uploaded by an account that tagged him in a photo of the incident. The uploader’s caption read, “Sorry @nikkonatividad Nailabas na nya,” accompanied by a laughing emoji.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results