Mukhang inaayos ni Baron Geisler ang marital woes nila ng asawang si Jamie Marie Evangelista.
Kagabi, October 16, 2026, nag-upload sa Facebook ang aktor ng mga larawang kuha mula sa isang couples' retreat.
Sa kanyang caption, tila nagpahiwatig si Baron na may problema nga sila ni Jamie.
"Marriage is not always easy. There will be seasons of joy and seasons of challenges, moments of understanding and moments when we struggle to understand each other.
"But love is more than a feeling. It is a choice we make every day—to listen, to forgive, to be patient, and to keep showing up for one another."
Kaya malaking bagay raw ang retreat na kanilang pinuntahan para sa kailangan nilang "healing."
Dagdag pa ni Baron: "This retreat is an opportunity to pause, reconnect, heal where healing is needed, and remember the love and commitment that brought us together.
"May God continue to strengthen our marriage, restore what needs restoring, and teach us both to love each other with grace, humility, and understanding."
Pagtatapos niya, sana raw ay manatiling matatag ang pagsasama nila ni Jamie sa kabila ng mga pagsubok.
"Through thick and thin, may we continue choosing each other, walking together, and keeping God at the center of our marriage.
"'Therefore what God has joined together, let no one separate.' — Matthew 19:6"
Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey
NETIZENS REACT TO BARON'S POST
Maraming netizens ang natuwa sa post ni Baron considering na recently ay in-unfollow nila ni Jamie ang isa't isa sa social media.
Sana raw ay protektahan sila palagi ng Panginoon.

May nagsabi ring kahit na sinong matikas na lalaki ay yuyuko kapag si "misis" na at ang Diyos ang usapin.

May netizen namang naka-experience din ng couples' retreat sa CCF (Christian Commission Fellowship).

May mga nakasubaybay sa mga pinagdaanan ni Baron, at naghahangad na maging okay na ang aktor.

Nagpasalamat naman si Baron sa CCF Penuel Home, isang holistic rehabilitation facility, na gumabay sa kanila.

Read: Bianca Manalo opens up about breakup with SP Sherwin Gatchalian
BARON-JAMIE MARITAL PROBLEMs
Nagkaroon ng alingasngas ang samahan ng mag-asawa nitong nakaraang buwan ng Setyembre 2026.
Napansin kasi ng mapanuring mata ng netizens na nag-unfollow sa isa't isa sina Baron at Jamie sa Instagram.
Dahil dito, iniuugnay tuloy ng mga netizens ang naging post ni Jamie sa Threads noong September 5, 2026, hinggil sa amo na katabing natutulog ang maid nito.
"Is it normal for an alalay/maid/PA to sleep in the same bed as her married employer?
"Morally acceptable? Asking for a confused wife."

Kahit walang binanggit si Jamie kung sino ang “married employer,” may ilang netizens na nag-assume na ang kanyang tinutukoy ay si Baron.
Mabilis ding binura ni Jamie ang naturang post, ngunit may ilang netizens na nakapag-screenshot nito at muling nag-upload online.
Read: Baron Geisler, wife unfollow each other amid cryptic "maid" post
JAMIE hints at BARON'S drug relapse
Nagsimulang pag-usapan ang umano'y problema sa pagsasama ng dalawa nang magkomento si Jamie sa isang Instagram post ni Baron noong July 18.
Dito, sinabi niyang kailangan nang magpa-drug rehab ang kanyang asawang aktor.
Ani Jamie sa post ni Baron kung saan makikitang sumasailalim ang aktor sa isang beauty treatment: “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that."
Sinundan pa niya ito ng post sa kanyang Instagram Story na naka-tag ang asawa.
Aniya, "No one plays the victim better than the one who cause the damage."
Ngunit, binura rin agad ni Jamie ang komento niya tungkol sa umano'y pagpapa-rehab ni Baron.
Read: Baron Geisler’s wife hints at actor's drug relapse
