Labis ang pagdadalamhati ngayon ng singer-actress na si Klarisse de Guzman dahil sa pagpanaw ng kaniyang inang si Esnobie de Guzman.
Sa Instagram nitong Sabado, October 24, 2026, nag-post si Klarisse ng black-and-white na larawan kung saan makikitang nakasubsob siya, tila umiiyak habang nagpapaalam sa kaniyang inang nakaratay sa ospital.

Sa caption ng post, ipinahayag ni Klarisse ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong ina.
Aniya, "Mahal na mahal kita, Mama ko.
"Iyakap mo na lang ako kay Papa ah. Mahal na mahal ko kayo."
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye si Klarisse tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.
KLARISSE ASKS PRAYERS FOR HER MOM
Bago ipahayag sa publiko ang pagpanaw ng kaniyang ina, humingi na ng panalangin si Klarisse para sa kalagayan nito noong October 20.
Ibinahagi ng singer ang kaniyang panawagan sa kaniyang Instagram broadcast channel.
Saad niya, “Namamanhid ako. I'm scared. Puwede niyo po ba isama si Mama sa prayers niyo?”
Read: Klarisse de Guzman's mother, partner react to singer coming out
CONDOLENCES AND PRAYERS FOR KLARISSE'S FAMILY
Samantala, bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at panalangin mula sa mga kaibigan at tagahanga ni Klarisse sa comments section ng kaniyang post.
Komento ni Will Ashley, "Ate...mahigpit na yakap."
"Ate Klang, condolences ate. Mahigpit na mahigpit na yakap," saad ni Xyriel Manabat kalakip ng crying emoji.
Sabi ni River Joseph, "Deepest condolences, Ate Klang."
"Ate, I love you," ani Mika Salamanca.
Mensahe naman ni Ashley Ortega, "My deepest condolences to you and your family, Ate Klang."
Komento rin ni Brent Manalo, "Ate Klang, labyu."
"Mowm ko. I love you. Nandito lang ako," dagdag pa ni Shuvee.
Read: Kim Chiu chooses to "stay strong" amid a "difficult day"
Maliban sa mga dati niyang co-housemate sa PBB, nagpaabot din ng pakikiramay kay Klarisse ang mga kapwa niya singer na sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, Gary Valenciano, at Rita Daniela.
