PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu chooses to "stay strong" amid a "difficult day"

Kim: "Praying that the truth will prevail and that justice will be served..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 7 hours ago
Kim Chiu
Kim Chiu expresses hope that truth and justice will prevail amid her legal battle with sister Lakam Chiu. The actress-TV host skipped the store opening of her business as well as the 17th anniversary celebration of It's Showtime.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Hindi nakadalo si Kim Chiu sa pagbubukas ng pop-up store ng kaniyang negosyo na House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB) sa isang mall sa Davao City.

Hindi rin nasilayan ang aktres sa selebrasyon ng ika-17 anibersaryo ng Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong Sabado, October 24, 2026, kung saan isa siya sa mga co-host.

Dahil dito, nagpahayag ng pag-aalala ang ilang tagahanga ni Kim sa kaniyang kalagayan, lalo na sa gitna ng mga pinagdaraanan niyang legal battle nila ng nakatatandang kapatid na si Lakambini "Lakam" Chiu.

Si Lakam ay nahaharap sa kasong qualified theft kaugnay ng diumano'y unauthorized withdrawals mula sa corporate bank accounts nila ni Kim.

Read: Kim Chiu's business ventures through the years

Para maibsan ang pag-aalala ng kanyang fans, nag-post si Kim sa kanyang Instagram Stories para personal na humingi ng paumanhin sa mga naghintay sa kanya sa Davao.

Kalakip nito ang mensahe tungkol sa pananampalataya, pagtitiwala sa proseso, at pag-asang mananaig ang katotohanan sa kabila ng kaniyang mga pinagdaraanan at ipinaglalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa post ni Kim (published as is): "Sorry, bunnies won't make it today.

"Another difficult day, but I'm choosing to stay strong, keep my faith, and trust the process.

"Praying that the truth will prevail and that justice will be served fairly and impartially.

"May God continue to guide us through everything."

Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Saad niya, "Thank you for your love, patience, and understanding, Bunnies. See you all soon."

Kim Chiu chooses to
Photo/s: @chinitaprincess on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM AND LAKAM FEUD

Hindi man direktang binanggit ni Kim ang kinakaharap niya ngayong problema, kapansin-pansing may koneksiyon ito sa sigalot nila ng kaniyang kapatid na si Lakam.

Magkasosyo sa HOLB, isang fashion brand ng handbags sina Kim at Lakam.

kim chiu lakam chiu
Kim (right) and Lakam (left).
Photo/s: Instagram

Mid-2025, nadiskubre ni Kim ang diumano’y financial discrepancies sa kanilang kumpanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umabot umano sa mahigit PHP44 milyon ang "unauthorized withdrawals" sa dalawang corporate bank accounts ng magkapatid.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Dahil tanging si Lakam daw ang may access sa kanilang joint accounts, kinumpronta umano ito agad ng aktres.

Humingi raw ng paumanhin si Lakam at nangakong ibabalik ang pera.

Pero ayon kay Kim, walang malinaw na eksplanasyong naibigay sa kanya noon si Lakam kung saan napunta ang mga nawawalang pera.

July 26, 2025, muling nagkakita upang magkausap ang dalawa.

Dito na waring nagbigay ng ultimatum si Kim kay Lakam na bayaran ang kinuha umano nitong pera sa loob ng isang linggo.

Read: Kim Chiu attends sister Lakam Chiu's arraignment

Diumano, sa puntong ito umamin si Lakam na ang "unauthorized withdrawals and transfers" sa kanilang bank accounts ay ginamit niya sa "gambling" sa "casino" at pambayad ng "personal debts.

Dito nagdesisyon ang aktres na paimbestigahan sa kanyang mga abogado ang lahat ng transaksiyon sa dalawang joint bank accounts nila ni Lakam para sa HOLB Philippines Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

December 2, 2025, pormal na naghain si Kim ng reklamong qualified theft laban kay Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pagsapit ng September 20, 2026, naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Lakam sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84.

Ang kanyang kaso, 124 counts ng qualified theft na isinampa ni Kim kaugnay ng umano’y pagkuha ng corporate funds ng kumpanyang HOLB Philippines Inc.

Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft

Hanggang noong September 24, pansamantalang nakalaya si Lakam matapos itong mag-post ng piyansang PHP5.6 million sa pamamagitan ng surety bond.

Nanindigan si Lakam na wala umanong katotohanan ang paratang sa kanya.

Nakasaad sa resolusyon ng piskal na ikinatuwiran ni Lakam na hindi niya ginastos pansugal ang pera nila ni Kim, kundi ginamit daw niya ito sa investment sa isang business venture sa casino.

Gusto umano ni Lakam na palaguin ang pera nila ni Kim, pero nabigo raw siya dahil nalugi umano ang negosyong pinasukan.

Sinasabi rin ni Lakam na hindi maituturing na unauthorized ang winithdraw niyang pera dahil joint bank accounts daw nila ni Kim ang pinagkunan niya nito.

Read: Lakam Chiu out of jail after posting PHP5.6M surety bond

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu expresses hope that truth and justice will prevail amid her legal battle with sister Lakam Chiu. The actress-TV host skipped the store opening of her business as well as the 17th anniversary celebration of It's Showtime.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results