Tuluyan nang ipinakilala sa publiko ang mga housemate sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother: Collab 3.0.
Ngayong Sabado, October 24, 2026, opisyal na nagbukas ang Bahay ni Kuya, kung saan tampok sa edisyong ito ang kombinasyon ng mga kilalang personalidad at ordinaryong Pilipino na magsasama-sama sa loob ng kilalang bahay.
Read: Inside BTS Manila comeback: Rhiza Pascua shares exclusive details
Kabilang sa mga celebrity housemate na sasabak sa pagpapakatotoo ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos, Anthony Constantino, Winwyn Marquez, at Raheel Bhyria.
Sa hanay naman ng Kapamilya stars ay sina Cianne Dominguez, Robbie Jaworski, at Gehlee Dangca.
Kabilang din sa mga celebrity housemate ang content creator na sina Lans Nagal at Jeo Ong.
PBB: COLLAB 3.0 REGULAR HOUSEMATES
Samantala, ang mga regular housemate na makakasama nila sa kompetisyon ay sina Bela Arcal mula sa Cavite, Primo Alterado ng Taguig City, at Shea Valerio ng Rizal.
Susubukan din nina Nicole Fortuna ng Bohol, Ethan Benares ng Bacolod, Calix Esguerra ng Pampanga, at Nathan Garcia ng Cebu ang kanilang kapalarang maging susunod na PBB: Collab 3.0 Big Winner.
PBB NEW HOUSE AND HOSTS
Bukod sa mga housemates, ipinakita na rin sa bagong season ang bagong disenyong Bahay ni Kuya na matatagpuan sa Gina Lopez Building along Mother Ignacia Avenue.

Ito'y kasunod ng pagsasara ng orihinal na bahay na nagsilbing tahanan ng programa sa loob ng 21 taon.
Read: Production designer Nancy Arcega on fond memories of PBB house
Kaabang-abang din ang pagbabalik ng mga host na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Gabbi Garcia, at ang pagpasok ng bago nilang co-host na si Michael Sager.
















