Bahagi ng board of directors ang negosyanteng si Sam Verzosa sa Viomi AI Philippines, ang naglunsad ng AI-powered water purification and smart hydration systems na Viomi Philippines.
Pagkatapos ng launching, kung saan ipinakilala si Heart Evangelista bilang brand ambassador, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa may lobby ng Solaire Grand Ballroom, Huwebes ng gabi, October 29, 2026.

Inusisa namin siya tungkol sa kanyang bagong negosyo.
Saad niya: "Andito lang tayo kasi napakaganda ng opportunity na to para sa mga kababayan nating Pilipino.
"It's a water, not just an ordinary parang nagpu-purify ng water and naglilinis sa mga tubig natin, pero talagang pina-alkalize, ginagawa niyang alkaline at nagiging mineral water pa siya."
Marami raw dealers ang nagpapahiwatig na ipalaganap at ipakilala ang naturang produkto sa local market.
"Kasi maraming umaasa, maraming umaasa. So, kailangan nating tulungan at magbigay ng oportunidad.
"Siyempre, marami ring dealers na gustong kumita. So, may mga dealers, distributors. E, tuluy-tuloy lang. Benta lang tayo nang benta.
"Marami na tayong distributors, marami nang dealers.
"And kami, isa rin kami sa mga magpu-push nito and ang goal namin, every household in the Philippines magkaron ng Viome.
"Kasi, yung normal na household, naka-rely pa rin tayo dun sa galon na binibili natin.
"E, marami nang napapasarang mga water purification stores, water purifier, kasi nga minsan hindi nila pinapalitan yung filter, nagtitipid.
"So, hindi na natin alam kung gaano kalinis yung iniinom natin. Ito, hindi lang malinis, healthy pa."
Perfect para sa paparating na Super El Niño?
"Perfect na perfect kasi ang hirap lumikom ng tubig na puwede mong mainum.
"So, pagdating ng El Niño, dumating yung panahon ng medyo konti lang tubig, pag may rasyon ng tubig, i-filter mo na para makaipon ka agad ng maiinum tubig."
Read: Gazini Ganados tells Michelle Dee to focus on MGI All Stars voting
SAM ON FAITH: "wala tayong love life, Negosyo lang."
Gaano ito ka-affordable?
"May entry level, siyempre may mas mataas.
"So, kung saan ka puwede, kung pang-entry level yung gusto mo, meron tayo.
"Pag gusto mo may hot and cold, doon tayo sa pinakamataas. Meron ding mid.
"So, there's a Viome model for everyone."

Pangnegosyo ba ito o pangkonsumo lang?
"Puwede mong pangnegosyo, pangkonsumo, puwede mo ring pantulong sa mga komunidad, marami. Lahat tayo kailangan ng tubig.
"Lahat umiinom, so para lahat, para sa lahat to," sagot ni Sam.
Bago siya bumalik sa ballroom, inusisa siya ng PEP tungkol sa kanyang lovelife.
Sinabi kasi ni Faith da Silva sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang linggo na malapit na magkaibigan lamang sila ni Sam.
“He’s not my boyfriend," pagbubunyag pa ni Faith.
“We’ve known each other for a long time. And because of him, honestly, so many opportunities opened up for me, thanks to the knowledge he possesses.
“He taught me about manifestations and affirmations, and because of him, my dreams in life grew even bigger because I realized that nothing in this life is impossible."
Malapit lamang daw talaga silang magkaibigan at hindi pa sila pumasok sa isang romantic relationship.
“We’re very, very close. Especially right now. And we’re still getting to know each other, but he’s not my boyfriend.
“He’s from Manila, and I’m also from Manila. And the way I see him, it’s like regarding all your dreams, you don’t have to dream small because even the big things—you can achieve them."
Pag-iwas ni Sam, "Tama na yung lovelife. Wala... wala tayong lovelife. Negosyo lang. Negosyo, negosyo tayo."
So, wala muna?
"Wala muna, negosyo lang."
Read: Jimuel Pacquiao's wife wants baby Clara to embrace Mexipino roots
