PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa admits he fell deeply for Rhian Ramos;

"One of the happiest days of my life...Nasaktan ka man, na-in love ka pa rin."
by PEP Troika
Published 11 hours ago
sam verzosa with rhian ramos
San Verzosa on relationship with Rhian Ramos: "One of the happiest days of my life...Nasaktan ka man, na-in love ka pa rin."
PHOTO/S: Gerry Olea; Sam Verzosa on Instagram

JERRY OLEA

Expired na ang kontrata nina Rhian Ramos at Michelle Dee bilang endorsers ng Luxxe White.

“Expired na po. Expired na lahat,” sambit ni Sam Versoza nang mainterbyu namin noong Hulyo 1, 2026, Miyerkules, sa Frontrow HQ, Quezon Avenue, Quezon City.

Si Sam, na isa sa mga owners ng Luxxe White, ay ex-boyfriend ni Rhian.

Noong nakaraang Pasko ay magkarelasyon pa sina Sam at Rhian.

Enero 2026 nang tuluyan silang maghiwalay.

Mabuti na rin daw na hindi sila umabot ni Rhian sa engagement.

“Siguro ano na rin ni God na hindi. Kasi nga, mas masakit yun, e. Na-propose mo, tapos may nangyari,” sabi ni Sam.

SAM VERZOSA ON "REBUILDING" MODE

Nakita silang magkasama ni Faith da Silva, pero magkaibigan lang daw sila.

Hindi raw siya naghahanap ng bagong girlfriend. Kung may darating, darating daw iyon.

“Sabi ko nga, may mas mga importante tayong kailangang unahin. Mga napabayaang trabaho dati na kailangan nating balikan,” saad ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka rebuilding kasi siyempre malaki rin yung naubos natin dati. Maraming taong umaasa. Sabi ko, pagkatapos nitong eleksyon, babawi kami.”

May bubuksan siyang bagong kumpanya sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“It’s a business platform. Mas marami kaming products. Yun ang inaasikaso ko muna,” pagsisiwalat ni Sam.

“Kaya mahirap na may distraction. Pag na-in love ka, nag-iiba ang priorities mo.”

Sam Verzosa on Rhian Ramos
Sam Verzosa
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganoon ang nangyari sa kanya noong sila pa ni Rhian? Na-divert ang atensiyon niya sa halip na naka-focus sa negosyo?

Tumango si Sam: “Oo, siyempre. Masarap din naman. Masarap din namang ma-in love. Pero minsan, madi-distract ka.”

Read: Sam Verzosa reacts to Rhian Ramos’ alleged new relationship

Nagsasawa siya?

“Hindi naman. Maganda yun, that’s what makes life beautiful, di ba? Masaya ka, masaktan ka.”

Usap-usapan noon ang talap-talap na cookies ni Rhian. Nami-miss ba niya ang cookie? Napangiti si Sam, “Wala nang cookie. Pasta na lang.”

Ibinibenta dati sa coffeeshop ng Frontrow HQ ang cookies ni Rhian. Ngayon ay wala nang nagsu-supply niyon doon. Naghahanap ba siya ng ibang cookie? Natawa si Sam.

Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship

NOEL FERRER

Zero raw ang love life ngayon ni Sam Verzosa.

“Ayoko namang sabihing walang-wala. Minsan naman may nami-meet ka, pero single ka pa officially,” sabi ni Sam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinahanap niya?

“Hindi, wala. You don’t look for that. Darating na lang iyan kung para sa iyo,” tugon ni Sam.

“Saka hindi naman siya yung priority. Yung priority nga natin is yung mga trabaho natin, goals natin, purpose natin. Yun ang pinakaimportante.”

SAM VERZOSA ON BEING SINGLE

Nadala ba siya?

Pag-amin ni Sam, “Medyo, medyo. Medyo, medyo. Medyo nakakadala yung mga… kaya parang gusto mo munang magpahinga.

“Alam mo, sa totoo lang, 17 years akong may relationship. From the past, sunud-sunod. Wala siyang pahinga.

“Na-realize ko noong maging single ako, e. Sabi ko, ‘Parang kakaiba itong feeling na ito, ah?!’

“Yun pala, naisip ko, 17 years straight pala na meron akong relationship. So first time kong naramdaman na single ako.

“So sabi ko, okay din palang maging single. Masarap i-enjoy yung pagka-single. So yun, masaya.”

Ano ang na-e-enjoy niya sa pagiging single?

“Wala masyadong sakit sa ulo. Wala ka masyadong inaalala. Hindi naman ako na-trauma, pero ngayon ko lang naramdaman na okay din pala maging single,” sabi ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sarili. Self-love. Magagawa mo ang mga dapat mong gawin. Hindi ka pressured. Yung mga priorities ko, mas napupuntahan ko.

“Yung mga anak ko, napupuntahan ko. Mas marami kang oras basically.

“Kasi kapag may ka-relationship ka, marami kang kahati sa oras mo.”

SAM VERZOSA on being with rhian ramos

Paano ba pag in love siya?

“All out, e. Ibibigay mo lahat—oras, resources, emotion,” pagtatapat ni Sam.

At mga regalo?

“Maliliit na bagay yun, material things. Pero mas mabigat, yung hindi mo na maibabalik,” pagdidiin ni Sam.

“Oras. Emotions. Grabeng investment yun.”

Game naman siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa naging relasyon nila ni Rhian…

“From the heart, e. From the heart. Hindi mo naman mapepeke yun, e,” saad ni Sam.

“Kasi totoo namang naging masaya ako. One of the happiest days of my life. Na-in love ka nga, e, di ba? Nasaktan ka man, na-in love ka pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SAM VERZOSA mum about cause of BREAKUP

Bakit kinailangang maghiwalay sila ni Rhian?

“Minsan hindi mo nga planado yun. Kasi ang gusto mo nga, maging okay kayo. Gusto mo yung future ninyo,” sagot ni Sam.

“Pero minsan, bigla na lang nangyari ang mga bagay na hindi mo naman inaasahan.

“Sabi ko nga, from 100 to zero rating. Nagugulat ka na lang. Puwede palang mangyari yun.

“May mga ganun, e, di ba? Minsan, hindi mo ma-explain. Di naman ikaw ang may kontrol nun, di ba, Diyos na lang?

“Tapos nangyari siya. Siguro baka ngayon, hindi ko pa alam yung dahilan. Pero in the future, malalaman mo rin.”

Inilaban ba niya?

“Oo. Siyempre. Ganun naman talaga dapat, e. Sabi mo, mahal mo, ilaban mo. So inilaban ko naman. Hanggang dulo yun.”

Wala silang communication ni Rhian sa ngayon. Ano kaya ang mag-uudyok para magkausap silang muli?

“Time. Siguro pag pareho nang nag-heal. Kasi alam mo, totoo naman, mabait na tao yun, e,” pagbuntong-hininga ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Rhian. Naging maayos yung relationship namin. Kumbaga, four and a half years, maayos. Bigla lang may nangyari sa dulo.

“Mas pinipili kong makita yung magaganda, masasaya. Kasi, yung maliit na konting nangyaring masama…kasi sometimes, relationships are like that.

“Mahabang panahon na masaya, maayos. Parang pagkakaibigan, may isa lang hindi pagkakaintindihan, yung buong relationship nyo, nasayang.

“E, para sa akin, darating din yung time na maiintindihan ninyo yung bakit nangyari yun.

“At naka-move on kayo, na-heal kayo. At puwede rin kayong maging magkaibigan in the future.”

GORGY RULA

LUXXE WHITE'S NEW ENDORSERS

Kakaiba ang launching ng Frontrow kina Rhian Ramos at Michelle Dee noong Marso 15, 2025.

Ang concept, kunwari may burol muna para sa dati nilang produkto, at pagkatapos nito ay inilunsad nila ang Luxxe White Ultima na in-endorse nilang dalawa.

Pagkatapos ng kanilang kontrata ay hindi na na-renew.

Ang tatlong P Pop group na Chicser, Bilib, at 6Ense na ipinalit ay may renewal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinagurian silang Luxxe Boys.

RS Francisco and Sam Verzosa with Luxxe Boys
RS Francisco and Sam Verzosa with Luxxe Boys
Photo/s: courtesy of FrontRow

Kaya tinanong namin sina RS Francisco at Sam Verzosa, bakit nila ipinagkatiwala sa tatlong grupo ang pag-endorso ng kanilang produkto.

RS Francisco and Sam Verzosa
RS Francisco (L) and Sam Verzosa
Photo/s: courtesy of FrontRow
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinuro ni RS na si Sam na ang sumagot.

Nilinaw namin kay SV na walang personalan ang tanong tungkol sa hindi pag-renew kina Rhian at Michelle.

Maingat si Sam sa kanyang sagot: “Nagbibigay naman po kami ng opportunites sa lahat.

“Ah, nagkaroon na po kami ng Korean superstars, K-Pop superstars, athletes, global endorsers, hosts, beauty queens, all the Miss Universe winners, not just contestants, but winners.

“But sabi pa nga today, ang focus natin is these three generations of P-Pop groups.

“At may aabangan pa kayong mga P-Pop group na mga girl group.

"At meron ding mga athletes, at marami pa kayong aabangan."

Diin niya, maraming endorsers ang kumpanya depende sa target market.

“Actually, ang Luxxe White naman, wala kaming stereotype. Kasi, yung produkto namin is for everyone.

“Young, old, ahhh gusto maging fit, gusto maging healthy.

"So, we cater to all markets. So, ang mga endorser namin, gaya ng mga 40s, 50s, mula po kay Tita Shawie [Sharon Cuneta], kay Regine [Velasquez], kila Gary V, Vice Ganda, Daniel Padilla to Momoland to Cha Eun-woo, na number one na Korean superstar ngayon, and ito, of course, our very own P-Pop superstars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And of course, kanya-kanya na po ng panahon. Siyempre, nag-expire na po yung mga contract...Ngayon, ito na po ang pinakabago nating mga endorsers,” napapangiting pahayag ni SV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
San Verzosa on relationship with Rhian Ramos: "One of the happiest days of my life...Nasaktan ka man, na-in love ka pa rin."
PHOTO/S: Gerry Olea; Sam Verzosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results