Handa nang muling ipamalas ni Michelle Marquez Dee ang kanyang galing at kakayahan sa international pageant scene sa pagsabak niya sa second edition ng Miss Grand International (MGI) All Stars.
Ayon kay Michelle, marami pa siyang gustong patunayan matapos ang kanyang naging karanasan sa Miss Universe 2023, kung saan kinatawan niya ang Pilipinas at nakapasok sa Top 10.
Read: Michelle Dee's Miss Universe 2023 Top 10 Slip
Sa kabila ng hindi pagkakamit ng Miss Universe crown, labis ang pasasalamat ng Kapuso beauty queen-actress sa mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanya
"Filipinas, hindi pa tayo tapos," nakangiting pahayag ni Michelle sa panayam sa kanya ng entertainment press sa premiere night ng The Red Crown noong October 26, 2026.
Nangyari ito ilang oras lamang matapos ianunsiyo ng MGI Organization ang paglahok ni Michelle sa 2nd MGI All Stars sa kanilang mga social media page.

"Napaka-surprising po. I don't know what to feel, but I'm so excited to make all Filipinos proud again," pahayag niya.
Read: Michelle Dee to compete in 2nd Miss Grand International All Stars
Pagbabahagi pa ni Michelle, labis ang kanyang kasiyahan at excitement nang malamang opisyal na siyang kabilang sa MGI All Stars na gaganapin sa December 12, 2026.
Para sa kanya, pagkakataon din ito upang masuklian ang pagmamahal at suporta ng mga tagahanga niya noong sumabak siya sa Miss Universe 2023, kahit hindi niya naiuwi ang korona.
Naniniwala rin si Michelle na marami pa siyang maipapakita sa international stage.
"Back in 2023, I’m so grateful na kahit hindi ko nauwi ang korona ko, tinanggap niyo ako nang parang winner," aniya.
"Pero I feel like may ibubuga pa po tayo, and I’m so happy for all the support that you have been continuously giving me, and it’s time to give back and show them that we are better, brighter, and stronger on the MGI All Stars stage."
OTHER PHILIPPINE REPRESENTATIVES AT THE 2ND MGI ALL STARS
Si Michelle ang pangatlo sa mga Pilipinong dati nang may beauty title, Miss World Philippines 2019 at Miss Universe Philippines 2023, na magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2nd MGl All Stars.
Read: Gazini Ganados tells Michelle Dee to focus on MGI All Stars voting
Makakalaban niya sa nabanggit na international beauty pageant ang trans woman at Miss International Queen Philippines 2025 na si Anna Patricia Lorenzo Diaz at si Miss Eco International 2025 Alexie Mae Brooks.
Read: 3 pageant veterans crowned first Reina Filipinas 2026 queens
Sa kanyang pagsali sa 2nd MGI All Stars, muling ginamit ni Michelle ang #DeePaTapos na indikasyon ng kanyang pangarap magkaroon ng international beauty title.
Unang ginamit ni Michelle ang #DeePaTaposAngLaban nang sumali siya sa Miss Universe Philippines 2023.
