PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thea Tolentino tells Mikee Quintos not to mind her wedding

Thea Tolentino to Mikee Quintos: "Wag kang magpapa-evict. Sayang naman."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Thea Tolentino tells Mikee Quintos not to mind her upcoming wedding while inside PBB house
Thea Tolentino (left) on what she told Mikee Quintos before entering PBB house: "Sabi ko kay Mikee, 'Ano, okay lang yan na, ano, hindi ka makapunta [sa wedding]. Basta wag kang mag-ano ha, wag kang magpapa-evict agad ha.'"
PHOTO/S: Arniel Serato / @mikee on Instagram

Abalang-abala ngayon ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng fiancé niyang si Martin Joshua San Miguel.

Halos isang taon na mula nang ma-engage ang dalawa noong November 25, 2025.

Martin Joshua San Miguel proposed for marriage to Thea Tolentino while on overseas trip on November 25, 2025.
Martin Joshua San Miguel proposed for marriage to Thea Tolentino while on overseas trip on November 25, 2025.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sinabi ni Thea ang eksaktong petsa ng kanilang kasalan, pero mangyayari raw ito bago matapos ang taong 2026.

Biro pa niya, "This year. Di ba, dalawang buwan na lang? Pagpilian niyo November, December."

Read: Sam Verzosa mum about Faith da Silva’s revelation

HER WEDDING ENTOURAGE

Sina Mikee Quintos at Joyce Ching ang dalawa sa taga-showbiz na bahagi ng wedding entourage ni Thea.

Paano na si Mikee na pumasok na sa Bahay ni Kuya bilang bahagi ng Pinoy Big Brother: Collab 3.0?

Ayon kay Thea: "Si Mikee na nasa loob ng bahay ni Kuya.

"Sabi ko kay Mikee, 'Ano, okay lang yan na, ano, hindi ka makapunta. Basta huwag kang mag-ano ha, huwag kang magpapa-evict agad ha.'"

Nagpaalam daw si Mikee sa kanya bago ito pumasok bilang housemate.

"Sabi niya sa akin, 'Thea, meron akong problema.'

"Tas yun ang una kong sinabi sa kanya, 'Wag kang magpapa-evict. Sayang naman.'

"Tapos si Joyce Ching."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung magpaalam si Mikee kay Big Brother at payagan itong makadalo sa kanyang kasal?

"Ay, wow. E, di bongga!" bulalas ni Thea.

"Pero feeling ko, hindi naman yun.

"Sabi ni Mikee, 'Thea, batiin na lang kita sa camera ng bahay ni Kuya.' 'Hintayin ko yun, Mikee.' Charing!"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa launching ng Viomi Philippines noong October 28, 2026, sa Solaire Grand Ballroom,

Read: Ruru Madrid recalls discrimination at restaurant in Spain

Thea Tolentino at Viomi Philippines launch on October 28, 2026.
Thea Tolentino at Viomi Philippines launch on October 28, 2026.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THEA TOLENTINO REVEALS ITS A CHURCH WEDDING

Kumusta ang paghahanda ni Thea sa kasal?

Saad niya: "Ah, hindi ko nga alam, e. Basta ginagawa ko na lang yung mga preparations.

"Ako, actually mabilis kasi akong ma-overwhelm. Dahil ako mostly yung nag-aasikaso ng mga mga details. Yes.

"Alam mo naman, usually mga babae yung mga details na yan.

"So, doon ako actually nahihirapan. Sa totoo lang, excited na akong matapos yung preparation. Gusto ko ceremony na agad."

Metikulosa ba siya sa mga detalye?

"Hindi naman," sagot ni Thea.

"Actually, yun yung mahirap kasi dahil hindi ako metikulosa. Tsaka hindi ko alam kung anong gusto ko. Sobrang indecisive ko kaya mas mahirap."

Chruch wedding ang kanilang seremonya, at ito raw talaga ang dream wedding ni Thea.

Hindi rin daw ito masyadong intimate dahil, "Hindi kaya.

"Yes. Tsaka itong wedding namin, for me, it's also a thank you to people na nakatulong din sa lives namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, we are sharing this milestone with them and grateful kami na makapunta sila sa wedding namin.

"And may mga kamag-anak din talaga kami na lumipad pa from all over the world.

"Yes, all over the world. International."

Read: NEW ENDORSER ALERT: Heart Evangelista for Viomi Water Solutions

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino (left) on what she told Mikee Quintos before entering PBB house: "Sabi ko kay Mikee, 'Ano, okay lang yan na, ano, hindi ka makapunta [sa wedding]. Basta wag kang mag-ano ha, wag kang magpapa-evict agad ha.'"
PHOTO/S: Arniel Serato / @mikee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results