Marami ang na-curious sa reaksiyon ni Isabel Oli sa pagbabalik-tambalan ng mister niyang si John Prats at ni Heart Evangelista sa pelikula.
Todo-pakilig kasi ang dating reel-and-real-life sweethearts base sa updates nila ng kanilang mga shoot at ibang aktibidades para sa nalalapit na proyekto.
Read: John Prats burned Heart Evangelista’s scrapbook after split
Pero hindi isyu ito kay Isabel, at siya pa raw ang mas nag-push na magtrabaho sina Heart at John.
"Sobra, all the way. Actually, fan kasi nila ako before," pag-amin ni Isabel.
Napatili pa siya nang maalala na sinusubaybayan niya noon ang G-mik, ang defunct Kapamilya teen-oriented show na umere mula 1999-2002.
Sina John at Heart ang paborito niyang loveteam sa show. Hindi pa artista si Isabel noon, at nakabase pa siya sa Cebu.
"Oo, faney!" pagtukoy niya sa sarili.
Balik-tanaw pa ni Isabel, "Nag-mall show sila sa Cebu. Habol ako. 'John, John, John! Heart, Heart, Heart!' Siyempre maririnig ka ba?"
Hindi raw niya sukat-akalaing mapapangasawa niya si John na dati'y kanya lamang iniidolo.
"Parang ganito lang yun [pag-fangirl ko sa] BTS, wala. Ironic, 'noh?" saad ni Isabel.
Hirit niya, "I think I need to do a vlog sa prayer reveal."
Nakapanayam si Isabel ng mga miyembro ng entertainment press sa media launch ng ARIH, ang Korean noodle brand na co-created ng superstar K-pop group ng BTS.
Ginanap ang event sa Glorietta Activity Center sa Makati, noong October 27, 2026.
Read: #THROWBACKTHURSDAY: John Prats and all the girls he loved before
ISABEL OLI ON FRIENDSHIP WITH HEART EVANGELISTA
Ikinuwento pa ni Isabel na una niyang naging kaibigan si Heart bago si John.
"Every show niya, kontrabida ako ni Heart. Friend ko na talaga matagal si Heart. She's one of my trusted friends sa showbiz," aniya.
Saksi pa raw si Heart noong panahong nililigawan pa lang ni John si Isabel.
Magkatrabaho sina Isabel at Heart sa Pinoy adaptation ng Full House, na umere sa GMA mula November 2009 to December 2010.
Lahad ni Isabel: "Nung nanliligaw si John, nasa take ako, sasagutin niya [Heart] yung phone, sila yung chi-chika. Ganun.
"Of all mga kakilala kong tao, si Heart lang yung walang nasabing against John.
"Hindi pala maganda yung breakup nila before, siya pa yung walang nasabing pangit."
