PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mimiyuuuh sheds light on previous "clean-money girl" remark

Mimiyuuuh finally addresses controversial statement about clean money.
by Bernie V. Franco
Published 5 hours ago
Mimiyuuuh
Mimiyuuuh: “Kung nagtatrabaho ka nang marangal, good for you. We need to celebrate hard work.”
PHOTO/S: mimiyuuuh on YouTube

Nararapat lang na kilalanin at purihin ang mga taong nagtatrabaho nang marangal para kumita ng pera.

Ito raw ang nais ipunto ng content creator na si Mimiyuuuh tungkol sa kontrobersiyal niyang “clean-money girl” comment tatlong buwan na ang nakalilipas.

Nabigyan ng kulay ang pahayag ni Mimiyuuuh sa kanyang mukbang vlog kasama ang influencer na si Esnyr Ranollo noong July 2026.

Sa isang punto ng video, nabanggit ng dalawa na hanga sila kay Anne Curtis dahil sa pagiging mabait daw nito at kumikita nang marangal.

Nasambit ni Mimiyuuh, "We only love Anne in this household, kasi siya talaga ang clean-money girl.”

Ang pahayag niyang ito, umani ng batikos hindi lang mula sa ibang netizens, kundi pati na rin sa kampo ng isang kilalang actress-host-social media influencer.

Lumalabas na pakiramdam nila ay patama ito ni Mimiyuuuh.

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline

MIMIYUUUH EXPLAINS CONTROVERSIAL COMMENT

Binigyang-linaw ni Mimiyuuuh ang naging pahayag niyang ito sa Almost Honest vlog ng beauty queen na si Kylie Verzosa na ipinost sa YouTube noong October 28, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Mimiyuuuh sa naging pahayag niyang iyon: ”It’s just so weird na pinupuri lang namin si Miss Anne for being clean-money girl.

"Kasi totoo naman na she really works hard for everything that she has… period.”

Wala raw pinapasaringan si Mimiyuuuh sa kanyang pahayag.

“I’m not pertaining to other people. Just because hindi kita napuri na clean-money girl ka… just because hindi ko nabanggit ang pangalan mo, it doesn’t mean na you’re a dirty-money girl,” depensa niya.

Katuwiran pa ni Mimiyuuuh, hindi rin niya binanggit ang pangalan na iba pang mga sikat na aktres na mga clean-money girl din, pero hindi naman sila nag-react at nagalit.

“I feel like na-misunderstood din lang talaga lahat,” aniya.

MIMIYUUUH STANDS BY HER COMMENT

Nagulat na lamang daw si Mimiyuuuh na nagising siya at pinutakti siya ng batikos.

Bagamat maraming kumastigo sa kanya, hindi raw deserve ni Mimiyuuuh ang hate dahil sa kanyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran niya: “[W]e need to praise people na nagtatrabaho nang marangal, di ba, yung mga janitor...

“Like everyone, kailangan natin sila i-praise. And yun yung point ko. Yun lang yon. Period.

“Wala akong hini-hate. Wala akong mini-mean na ibang people.

"It’s to celebrate people who work hard and na galing sa malinis."

Giit ni Mimiyuuuh, “Yun lang naman ang aking point doon.”

Kung may pulot naman daw si Mimiyuuuh sa insidenteng iyon, ito ay ang magpakatotoo siya at panindigan ang sinabi kahit hindi magustuhan ng iba.

“Yun yung natututunan ko talaga, na ito yung paniniwala ko. Ito ako.

“Hindi ko kailangan ibahin yung paniniwala ko para lang magustuhan ako ng ibang tao.

“And, girl, bigyan natin ng palakpak yung mga tao na talagang nagtatrabaho nang marangal.

“Kung nagtatrabaho ka nang marangal, good for you. We need to celebrate hard work,” saad niya.

Iginiit din ni Mimiyuuuh ang panawagang maging responsable sa pagpo-post dahil madali raw ma-taken out of context ang mga ipinu-post online.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HEART EVANGELISTA’S CAMP REACTS TO MIMIYUUUH’S CLEAN-MONEY GIRL COMMENT

Matatatandaang nag-react ang personal assistant (PA) ni Heart Evangelista na si Resty Rosell nang lumabas ang "clean-money girl" comment ni Mimiyuuuh noong July.

Nag-iwan pa ng mga komento ang PA ni Heart sa comments section ng Instagram account ni Mimiyuuuh.

Binura rin ito, pero nakunan ng screenshots ng netizens at kumalat sa social media.

Kinastigo ng PA si Mimiyuuuh dahil sa aniya'y patutsada o “shade” sa kanyang among si Heart.

"Kailangan ba mi, manampal kami ng financial statement para masabing clean money?" sabi pa ng PA ni Heart.

Malinaw ritong inakala ng PA ni Heart na pinatutsadahan ni Mimiyuuh ang aktres.

Read: Heart's PA calls out Mimiyuuuh over "clean money" remarks

Hindi nag-react noon si Mimiyuuuh sa banat ng PA.

Hati naman ang reaksiyon ng netizens tungkol dito.

May ibang netizens na tinawag pang walang utang na loob si Mimiyuuuh dahil si Heart daw ang naging daan para maging ambassador ng isang aesthetic clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin din ng netizens na hindi na naka-follow sina Heart at Mimiyuuuh sa isa't isa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mimiyuuuh: “Kung nagtatrabaho ka nang marangal, good for you. We need to celebrate hard work.”
PHOTO/S: mimiyuuuh on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results