PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thea Tolentino recalls pandemic love story with pilot fiancé

Thea Tolentino and fiancé Martin San Miguel to tie the knot this year.
by Arniel C. Serato
Published 2 hours ago
Thea Tolentino talks about her love story with pilot fiancé Martin San Miguel.
Actress Thea Tolentino recalls struggles having a "pandemic time" relationship with pilot fiancé Martin San Miguel: "Ang hirap nga noon kasi, ang hirap makapag-date sa mga restaurants kasi kailangan lagi naka-ganun nga, may face shield. So, as much as possible, parang either place ko or place niya na lang kasi mas safe yun."
PHOTO/S: Arniel Serato / @_martinjoshua on Instagram

Nagkuwento si Thea Tolentino tungkol sa love story nila ng fiancé na si Martin San Miguel.

Si Martin ay isang pilot ng isang local commercial air liner ng bansa.

Ayon sa Kapuso actress na si Thea, matagal na silang magkakilala ni Martin pero hindi sila childhood sweethearts.

Kuwento niya, "Magkakilala kami 2014 pa, pero 2020 kami nag-connect. Yes, pandemic."

So, pandemic love story?

Paano nila nagawang magkita at magkaligawan sa gitna ng mahigpit noong social distancing?

"Ano, face mask, face shield. Yun," pagbabahagi ni Thea.

"Ang hirap nga noon kasi, ang hirap makapag-date sa mga restaurants, kasi kailangan lagi naka-ganun nga, may face shield.

"So, as much as possible, parang either place ko or place niya na lang kasi mas safe yun.

"Tapos, either order na lang ng food or luto kami ng food. Ganun yung ginagawa namin."

Thea Tolentino and boyfriend Martin San Miguel in this April 2022 photo of them on a date.
Thea Tolentino and Martin San Miguel on a date in April 2022.
Photo/s: Courtesy: @_martinjoshua on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong January 2026, nagkuwento rin si Thea sa Fast Talk with Boy Abunda na malaki ang naging kontribusyon ng Kapuso actor-TV host na Juancho Triviño sa reconnection nila ni Martin.

Nakasaad sa article sa GMA News Online: “Actually, 2014 or 2015 pa kami magkakilala ni Martin. Tapos, magkanya-kanya pa kaming relationship.

"So, meron kami pictures na with our exes. And then, noong 2020, I think, during pandemic, si Juancho at tsaka si Joyce [Pring], nag-double date kami."

Hindi naman daw kaagad sila ready noon para sa isang relasyon.

“And then, kasi parang feeling ko noong time na yun, hindi pa ako ready na pumasok sa isang relationship, mag-commit."

Social media ang lalong naglapit sa kanila ni Thea at Martin.

Napansin kasi ni Juancho na ni-like ni Martin ang larawan ni Thea matapos siyang magpabakuna para sa COVID-19.

“And then, nag-Viber sa akin si Juancho, sabi niya, ‘Message mo na kasi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, ‘Ayoko, ayoko, baka mamaya hindi kasi ako mag-commit. Ako yung mapapahiya.'"

Pero mapilit daw talaga si Juancho sa kanya.

At sinabing makakatanggap siya ng text mula kay Martin.

“And then, noong midnight noong araw na yun, nag-message ulit si Martin."

Read: Meryll Soriano on Joem Bascon: Budgetarian, kuripot, good provider

THEA AND MARTIN: THE PROPOSAL

Matapos ang halos limang taon nilang pagsasama bilang magkarelasyon, nag-propose na si Martin kay Thea noong November 25, 2025 habang nasa bakasyon sila abroad.

Sabi ni Thea sa post sa Instagram, "11.25.25 [ring emoji]

"It's sinking in for real now.

"Hello my fiancé @_martinjoshua [heart emoji]"

Matapos ang halos isang taon, nakatakda na silang ikasal sa simbahan ngayong huling bahagi ng 2026.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Thea, sinabi niyang hindi magiging intimate ang kanilang church wedding.

"Hindi kaya.

"Yes. Tsaka itong wedding namin, for me, it's also a thank you to people na nakatulong din sa lives namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, we are sharing this milestone with them and grateful kami na makapunta sila sa wedding namin.

"And may mga kamag-anak din talaga kami na lumipad pa from all over the world."

Read: Thea Tolentino tells Mikee Quintos not to mind her wedding

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Thea Tolentino recalls struggles having a "pandemic time" relationship with pilot fiancé Martin San Miguel: "Ang hirap nga noon kasi, ang hirap makapag-date sa mga restaurants kasi kailangan lagi naka-ganun nga, may face shield. So, as much as possible, parang either place ko or place niya na lang kasi mas safe yun."
PHOTO/S: Arniel Serato / @_martinjoshua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results