Engaged na sina Michelle Vito at Enzo Pineda pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.
Noong March 17, 2026 ay nagdiwang ng kanilang seventh anniversry sina Michelle at Enzo as a couple.
Pero hindi umubra ang "seven-year itch" sa relasyon ng dalawa
Ang seven-year itch ay terminong ginagamit upang ilarawan ang panahon, sa ika-pitong taon, kung saan nagkakaroon umano ng pagbabago sa nararamdaman ng dalawang magkarelasyon.
Ngayong gabi ng Martes, November 3, inanunsiyo ni Michelle sa Instagram na engaged na siya kay Enzo.
Nangyari ang proposal noong October 28.
Maiksing caption ni Michelle sa carousel of photos ng engegement: "And so, our forever begins [ring emoji]
"A lifetime of beautiful memories ahead of us. A love written by God, in His perfect time. [heart emoji]
"10.28.26"
View this post on Instagram
Sa isang larawan, kasama pa nila ang alagang aso ni Michelle na si Chloe, 12.

Read: All the ways Michelle Vito shows “super duper love” to pet Chloe
Bunuhos naman sa comments section ang congratulatory messages para sa newly engaged couple mula sa kanilang celebrity friends.


MICHELLE DREAMS OF A CHURCH WEDDING
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle noong July 26, 2026, ibinahagi niya ang pag-uusap nila ng longtime boyfriend na si Enzo tungkol sa kasal.
Noong time na yun, 28 years old si Michelle.
At doon ay sinabi niyang nakikita niyang magpapakasal siya sa edad na 29.
"Siguro, hopefully, mga twenty-nine. Twenty-eight na ako ngayon then 30, mga ganun.
"Kasi, yun talaga yung ever since noong bata ako na gusto ko magpakasal ng mga twenty-nine, thirty.
"Para pag magkaanak na ako, mga thirty, thirty-one. Kasi siyempre, di ba po yung mga babae kailangan habulin na magka-baby, ganyan.
"Kasi iba yung, di ba, iba na yung usapan. Iba na yun sa girls, e. Mahirap na kapag medyo tumanda magkaanak."
Pangarap din daw niya ang isang intimate church wedding.
Aniya, "Gusto ko talaga intimate, plus gusto ko church wedding talaga. Yun.
"Pero yun po, church wedding and intimate."
Read: Michelle Vito says Enzo Pineda is "the one," eyes church wedding
