Lagpas anim na taon nang kasal ang aktor na si Rafael Rosell sa non-showbiz wife nitong si Valerie Chia.
Buhos daw ang oras ng aktor sa buhay nilang mag-asawa kapag wala siyang trabaho sa showbiz.
"Yeah, family time din. Lots and lots of family time, siyempre."
Tatay na ba siya?
"Hindi pa. Hindi pa," sagot ni Rafael.
Ano ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagkakaanak ng asawa?
"A, personal reasons," maikling tugon ng aktor.
April 2020, noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nagpakasal sina Rafael at Valerie sa isang civil ceremony na ginanap sa tahanan nila sa New Manila, Quezon City.
Paglilinaw ni Rafael, hindi pa nila priority ang magkaroon ng anak pagkatapos magpakasal.
Nais lamang daw muna nilang i-enjoy ang kanilang pagsasama na silang dalawa lang.
Aniya: "Well, hindi naman siya na-delay. It was never, like, number one priority pag nagpakasal kami na parang after namin magpakasal na magkaroon agad ng family.
"We're still enjoying.
"Sobrang parang second childhood ang lumalabas ngayon na parang pag walang trabaho or responsibilities, ang sarap mag-ano, magpakabata lang ulit and just enjoy."
So, ini-enjoy lang nila ang kanilang pagsasama?
"Yeah, super enjoy. Super enjoy. Tapos of course, ano, travel.
"Ako, I love staying at home, sa bahay since, well, lumaki kasi ako sa Norway na parang homebody talaga ako.
"So, super enjoy lang," saad ni Rafael.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa launching ng Viomi Philippines noong October 28, 2026 sa Solaire Grand Ballroom, Parañaque City.
Si Rafael ang isa sa invited guests/influencers sa event.

Read: Michelle Vito, Enzo Pineda get engaged after 7 years together
RAFAEL ROSELL ON baby plans in 2024
Sa guest appearance ni Rafael sa Fast Talk with Boy Abunda noong June 2024, naitanong sa kanya ng host na si Boy Abunda kung kailan nila planong magkaanak ng asawa.
Sagot ni Rafael noon, "Maybe in two years."
Noong mga panahong iyon, ninanamnam daw nilang mabuting mag-asawa ang kanilang pagsasama nang silang dalawa muna.
Read: Rafael Rosell, kasal na noon pang April 2020
Sa ngayon, abala muna si Rafael sa mga TV appearances matapos ang dalawang palabas na kinabibilangan niyang nagtapos na rin: ang The Alibi at Kamao.
Read: KMJS faces persona non grata threat from Paete council
