PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 32 after cancer battle

The Film Development Council of the Philippines pays tribute to the actress.
by Erwin Santiago Jerry Olea
Published 8 hours ago
jorrybell agoto death
Jorrybell Agoto, who played the lead role in Filipiñana, passes away at 32 following her battle with lymphoma.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ang acclaimed actress na si Jorrybell Agoto matapos ang pakikipaglaban sa sakit na lymphoma noong Martes, Nobyembre 17, 2026.

Siya ay 32.

Kinumpirma ng pamilya ni Jorrybell ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook post ng kanyang nakababatang kapatid na si Jed Agoto.

Bahagi ng kanyang mensahe: "it hurts so much to accept that you're no longer with us.

"We saw how hard you fought and how brave you were until the very end. You fought so hard, and we are beyond proud of you.

"Rest now, Ate. No more pain, no more suffering.

"You don't have to be strong anymore. You've done more than enough.

"We love you so much. We will never forget how brave you were.

"You may have lost the battle, but you will forever be our bravest warrior."

jorrybell agoto death
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinarating naman ng Film Development Council of the Philippines sa official Facebook page nito ang kanilang pakikiramay sa pagpanaw ni Jorrybell.

Nakasaad dito: "Lubos na nakikiramay ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Ms. Jorrybell Agoto — Lead Actress, Filipiñana (1994–2026).

"Ang iyong kontribusyon sa industriya ng Pelikulang Pilipino ay mananatiling nakatatak sa aming puso.

"Maraming salamat at paalam, Jorrybell"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JORRYBELL AGOTOS'S CANCER BATTLE

Noong Setyembre 23, 2026 ay napabalitang may cancer si Jorrybell, at nasa Critical Care Unit ng St. Luke’s hospital.

Noong Oktubre 23, nag-post sa Facebook ang kapatid ni Jorrybell na si Jed at humihingi ng tulong.

Bahagi ng mensahe ni Jed: “Hindi ko talaga ugaling mag-post ng ganito sa social media, pero dahil kailangang-kailangan na talaga namin ng tulong ngayon...

"Sobrang proud kami sa kanya [Jorrybell] kasi siya yung bida sa Filipiñana, yung official entry ng Pilipinas para sa Oscars next year.

“Dinala niya yung pangalan ng bansa at ng bayan natin sa world stage, pero ngayon, siya naman yung lumalaban para sa sarili niyang buhay.

“Nasa Critical Care Unit ng St. Luke's Medical Center si ate ngayon dahil sa Lymphoma (cancer). Sobrang bigat ng past few days para sa amin kasi binalik siya sa CCU for closer monitoring:

“Sobrang bumagsak yung blood pressure niya tapos pumapalo ng 170 yung heart rate niya. Sobrang sakit sa puso bilang kapatid na marinig siyang sumisigaw na lang dahil sa tindi ng pain na nararamdaman niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakitaan din ng tubig yung left at right lungs niya, kaya inoperahan siya para lagyan ng bilateral Blake drain sa parehong baga para lang mailabas yung tubig at makahinga siya.

“May nakita ring tatlong tumor sa left lung niya.

“Dahil sobrang sensitive na ng katawan niya sa pain dahil sa cancer, nag-decide na yung doctors na i-intubate siya para kahit papaano makapagpahinga yung katawan niya.

“Bilang kapatid, ang hirap-hirap panoorin na ganito yung sitwasyon niya. Siya ang breadwinner namin at senior citizen na rin ang magulang namin. Nahihirapan na po kami sa araw-araw na running bill sa CCU, procedures, at mga gamot...

“Gusto pa naming bigyan si ate ng chance na lumaban at gumaling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jorrybell Agoto in critical condition; family seeks help

JORRYBELL AGOTO'S FILMOGRAPHY

Sa exclusive interview ng PEP Troika kay Jorrybell noong Setyembre 13, 2026 —na sitra ring huling public appearance niya — ay ibinahagi ng aktres ang pagsisimula ng kanyang acting career.

Ano ba ang background niya? Kailan siya nag-umpisang mag-artista sa pelikula?

“Nag-start ako around 2019. And yung short film na Filipiñana is my second short film,” lahad ni Jorrybell.

“Parang yung first ko po is The Slums na sumali din sa Busan. And then yeah, yun. Puro ako short films up until noong 2023.”

Kabilang sa mga pelikula niya, maikli man o full-length, ang Filipiñana, Sisa, Silenced Nights, Tether, When This Is All Over, Bar Boys: After School, P77, Haplos sa Hangin, The Remotes, Cross My Heart and Hope to Die, Primetime Mother, The Slums, Congratulations DX!, at Due Date na ni Judith.

Nasa cast din siya ng Ours Was A Timeless Night Burning, Ang Pagmamahal ni Layla de Jesus, Bughaw Dilaw Magugunaw, Until The Moon Turns Blue, The Flipside, Kahit Aswang Nahihirapan, Ikaw at Aking Daigdig, Waltz of Qualm, Tadhana, Ang Dragon sa Capanganuran, Multo, Dog in Search of a Leash, The Dream, Ang Pangungumpisal, Naraniag a bulan, at Filipiñana.

Sa walong pelikulang pinagpilian ng selection committee ng FAP para ipadala sa Oscars this year, tatlo ay kasama siya — Filipiñana, Sisa, at Silenced Nights.

Sa Cinemalaya 2023, dalawa ang pelikula niya — Tether with Mikoy Morales na nagwaging best actor, at When This Is All Over with Juan Karlos.

JORRYBELL AGOTO'S ACTING EXPERIENCE

Ibinahagi rin ni Jorrybell ang mga naging karanasan niya sa movie industry.

“Ahhmm ako po, ano, sobrang saya ko lagi at sobrang suwerte ko sa mga nakaka-work ko din, lalo na mga directors,” hinay-hinay na saad ni Jorrybell.

“Kasi nagse-set talaga sila ng collaborative, like environment for me to, like, tell them kung ano iyong tingin ko sa character, and at the same time sila din.

“Parang may ganoong kind of openness sa collaboration, which I really love sa filmmaking.”

Ibang-iba sa proseso niya sa theater?

“Yes, kasi parang feeling ko po sa theater usually, it’s you as an actor na magke-create nung character, e,” sambit ni Jorrybell.

“And then like the director will just, you know, scratch out kung ayaw niya lang.

“But here sa film, idea nila yun. They’ve written it, yung film. So basically, sila yung nagluwal nun.

“So, ang importante din talaga yung usap kasi, para ma-create yung character.”

BEAUTY AND POVERTY

Paano ba siya napiling magbida sa Filipiñana na isinulat, idinirek, at in-edit ni Rafael Manuel?

“Yung Filipiñana po is ako din sa short film. So, doon ako nag-undergo ng audition,” pagsisiwalat ni Jorrybell.

“Tapos iba yung process niya of audition, ni Direk, e. Parang may timeslot kami, parang an hour or more than an hour ang in-allot sa akin.

“Tapos nagkukuwentuhan lang kami. So, hindi siya yung nakagawian kong audition dito sa Philippines.

“So kuwentuhan, tapos may kamera na pala na nakatutok sa akin. So ayun, ganoon iyung process. Tapos may final casting.

“And then ibinalita na I got the role.”

Pinapalakpakan nang lubos sa ibang bansa ang performance niya sa Filipiñana. Pero sa Pilipinas, hindi pa ganoon kainit ang pagtanggap o pagkilala sa kanya ng karamihan.

“Ako, OK lang. Parang I mean, to be honest, yung pinaka-worry ko lang po talaga while doing the Filipiñana is my age,” pagtatapat ni Jorrybell.

“Yung 17. E, alam mo naman kung gaano ka-cruel, like, yung socmed in terms of, like, alam mo yun, ‘Hindi naman siya mukhang 17.’

“Pero never pa naman akong nakakarinig ng ganoon. So parang it’s a win for me! Kahit hindi ako palakpakan."

Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto alive and fighting lymphoma

THE GIRL FROM SARRAT

Sa dinami-dami ng ginampanan niyang karakter sa pelikula at teatro, aling role ang pinakamalapit sa kanya? Alin yung nag-resonate sa kanya sa totoong buhay?

“Parang for me, Filipiñana,” mabining tugon ni Jorrybell.

Dahil 17 years old?

“Ah! 17 at heart! Ha! Ha! Ha! Hindi. Kasi parang na-create yung character ni Isabel sa mga usap namin ni Direk,” sabi ni Jorrybell.

“So I think, parang naging Ilocano siya, kasi Ilocano ako. From Sarrat, Ilocos Norte.

“Pero dito na po ako nag-aral ng college. Sa PUP ako nag-aral ng Theater Arts nung college, kaya medyo mulat din. Somehow.

“Hmmnn for me, malaking parte ng buhay ay yung buhay ko sa Ilocos kung paano yung proseso ko bilang aktor ngayon.

“Kasi, danas ko! Alam mo yon, parang… kita ko yung mga… like pagkakaiba ng Manila sa provinces.

“Dahil din doon, lumawak din yung pang-unawa ko lalo na pag nabibigyan ng mga roles about, liketaga-, probinsya. Or taga-Manila.”

Inaasam ba niyang maging leading lady?

“Parang meron nga, sabi nung friend ko na parang, ‘Bakit parang ang lulungkot nung mga roles mo?’ Ganyan.

“So, parang sabi ko, ‘Oo nga, parang gusto ko namang mag-chill ngayon.’ Parang… pahingi po ng romcom! Mga ganun lang.

“Gusto ko pong i-try ang mga ganung genre.”

Read: Jorrybell Agoto reacts to being compared to Dolly de Leon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jorrybell Agoto, who played the lead role in Filipiñana, passes away at 32 following her battle with lymphoma.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results