PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Radio DJ Diego Bandido dies at 47

Nicole Hyala and Shai Tisai mourn their former radio partner.
by Jojo Gabinete
Published 17 hours ago
diego bandido death
Radio DJ and DZRH host Diego Bandido, whose real name was Michael Fantinalgo, has died at 47. Love Radio and Easy Rock pay tribute to the former DJ, while his former radio partners Nicole Hyala and Shai Tisai express their grief over his passing.
PHOTO/S: Facebook

Nagulat at nalungkot ang mga tagapakinig at tagahanga ng radio DJ at DZRH host na si Michael Fantinalgo, na mas kilala bilang Diego Bandido, matapos mabalita ang kanyang pagpanaw sa edad na 47.

May Facebook post pa si Diego noong Miyerkules, Nobyembre 25, 2026, bago kinumpirma ng mga pamunuan ng 90.7 Love Radio, Easy Rock 96.3, at DZRH ang kanyang pagkamatay sa kani-kanilang social media pages.

Naiwan ni Diego ang kanyang asawang si Letlet at anak na si Michael.

Hindi binanggit ng mga istasyon ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

LOVE RADIO, EASY ROCK MOURN DIEGO BANDIDO

Sa isang Facebook post, inalala ng Love Radio si Diego, na nakilala rin ng marami bilang “Tang Henyo.”

Nakasaad dito: “Pumanaw na ang minamahal nating si Diego Bandido, na nakilala at minahal din ng marami bilang si Tang Henyo.

“Sa likod ng kanyang makulay na personalidad, walang kapantay na talento, at mga alaalang hatid ng kanyang boses, mananatili siyang bahagi ng puso ng bawat Kabisyo na kanyang napasaya at nakasama sa bawat pakikinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Higit pa sa kanyang pagpapatawa, isa sa mga bagay na maaalala namin kay Diego Bandido ay ang kanyang matatag na pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan nito, marami siyang nabigyang-inspirasyon at napalakas ang loob na patuloy na kumapit sa Kanya.

“Maraming salamat, Diego Bandido, sa saya at inspirasyong iniwan mo sa amin. Mananatili kang bahagi ng puso ng bawat Kabisyo.

“Sa ngalan ng buong Love Radio family, nakikiramay kami sa kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan, at sa lahat ng mga Kabisyo na nagmamahal sa kanya.

"Paalam, Tang Henyo. Salamat sa lahat, Bords.

"Rest in God's loving arms, Diego Bandido!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay-pugay rin ang Easy Rock sa kanilang dating DJ at inalala ang saya na hatid nito sa mga tagapakinig tuwing umaga.

“We will surely miss your buLOVEbog every morning, DJ Diego Bandido.

"Your voice has been part of our mornings, bringing joy and comfort to everyone who tuned in.

"You will always be remembered.Rest in peace, DJ Diego.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Former PBB Otso housemate Hasna Cabral dies after stroke

NICOLE HYALA, SHAI TISAI MOURN FORMER RADIO PARTNER

Ayon sa ulat ng DZRH, nagsimula si Diego bilang DJ sa Yes! FM bago lumipat sa Love Radio, kung saan niya nakasama sina Shai Tisai at Totoy Bato.

Naging ka-tandem din niya sa radio program na Tambalan si Nicole Hyala, na nagpaabot ng kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng dating katrabaho.

Ani Nicole: “Isang malaking karangalan na nakatambal kita, Paps. Ikaw ang Kumikinang na Ulo na nagbigay-buhay, saya, at tawa sa ating Kumikinang na Tambalan.

“Ang hirap isipin na wala ka na. Diyan ka na muna sa langit mambubuLOVEbog, Paps. Dito, iingatan namin ang mga alaala at tawanan na iniwan mo.Mahal na mahal ka namin.”

nicole hyala post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay-pugay rin si Shai Tisai kay Diego, na tinawag niyang una niyang radio partner.

“Tonight, I mourn the loss of my first ever radio partner.

“I have a lot to say and share about who you were, but I’m too sad to process the words. my heart goes out to your Love Radio Family, and to your wife LetLet and son, Michael.

“Thank you for the laughter, the fun, the kulitan, babes. rest in the arms of our Lord.”

shai post

Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 32 after cancer battle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Radio DJ and DZRH host Diego Bandido, whose real name was Michael Fantinalgo, has died at 47. Love Radio and Easy Rock pay tribute to the former DJ, while his former radio partners Nicole Hyala and Shai Tisai express their grief over his passing.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results