PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaina Magdayao on Vina Morales's detractors: "Walang karapatan ang kahit na sino para husgahan ang kapatid ko."

She reveals that her sister is scheduled to give birth this Good Friday, April 10.
by Archie de Calma
Published Apr 7, 2009
Shaina Magdayao reveals that her sister Vina Morales is scheduled to give birth this Good Friday, April 10.


Masaya si Shaina Magdayao sa kanyang lovelife. Botong-boto raw kasi ang pamilya ni John Prats kay Shaina, ayon sa kapatid ng kanyang boyfriend, si Camille Prats. Magkasama na kasi sina Shaina at Camille noong mga bata pa sila sa afternoon soap na Marinella sa ABS-CBN.

(Click HERE to read related story.)


"Okay naman kami ni John, and hopefully, magtagal pa kami," sabi ni Shaina sa pocket presscon ng Kambal sa Uma na ginanap kanina, April 7, sa Proud Mary, Tomas Morato, Quezon City. "Kung lalagay siguro ako sa tahimik, gusto ko na, siyempre, siya na ang makatuluyan ko, pero matagal pa yun. Mga ten years pa. I'm only 19. John is only 25. Bahala na siyang maghintay."

Noong una raw, kahit sino pa ang manligaw kay Shaina, hindi gusto ng mga kamag-anak niya.

"Sa katagalan, nababago yun. Nakikita nila yung kabaitan at sincerity ni John. Hanggang matanggap na siya. Nagba-bonding pati mga pamilya namin, like my mom, friends sila ng mom ni John. Magkakaibigan na talaga," ani Shaina.

Naitanong sa kanya kung ano ba ang nangyari sa kanila ni Rayver Cruz. Sila ang unang ipinareha pero walang nangyari.

"Tanungin na lang din ninyo si Rayver," natatawa si Shaina. "Mayroon talagang meant to be friends lang. Ganoon kami ni Rayver. Sa palagay ko naman, masaya siya. Inspired na yun sa sarili niyang lovelife. Everybody happy."

Advantage nga kay Shaina na maipareha sa iba. Sa katunayan, ang Kambal sa Uma ang unang pagkakataon na ipapareha si Shaina kay Jason Abalos.

"Ganoon din si Rayver, naipapareha siya kay Maja [Salvador]. Mas okay yun sa career namin. Hindi naman kailangang ka-love team mo rin ang guy sa tunay na buhay," dagdag pa ni Shaina.


SOON-TO-BE-AUNT. Hinihintay ng kanilang pamilya ang panganganak ng nakatatandang kapatid ni Shaina na si Vina Morales. Nakatakda na itong magluwal ng sanggol this Good Friday, April 10.

"Tuloy-tuloy na ang checkups," sabi pa ni Shaina. "Umiikot yung bata sa tiyan niya. Noong isang gabi, dumaraing na nga siya na parang manganganak na siya, pero this Friday pa talaga ang due date niya."

Patuloy na may nagkukuwestiyon sa identity ng nakabuntis kay Vina, isang Chinese businessman daw na nagngangalang Cedric Lee. May totoong pamilya raw ito. In other words, may mga nagkukuwestiyon sa legalidad o punto ng moralidad sa ugnayan ni Vina sa lalaking nakabuntis dito.

"Kung anuman yun, para sa amin, hindi na mahalaga pa. Ang sister ko na lang ang makakasagot ng mga ganyang tanong. Walang mas mahalaga sa amin ngayon kung hindi yung paglabas ng pamangkin ko. Gustong-gusto ko na siyang makita.

"Hindi ko na iintindihin pa ang sasabihin ng iba. Walang karapatan ang kahit na sino para husgahan ang kapatid ko. Ang importante, mapalaki namin ng tama ang bata, basta naririto lang kami para kay Ate," katuwiran ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Shaina Magdayao, Vina Morales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao reveals that her sister Vina Morales is scheduled to give birth this Good Friday, April 10.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results