PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Lahbati moving forward after her controversies last year: "It feels good that I have peace of mind."

Sarah Lahbati remains an exclusive artist of GMA Network; says TV5 "borrowed" her for just one project.
by Rachelle Siazon
Published Apr 15, 2014
Kapuso actress Sarah Lahbati returns to acting via TV5's made-for-TV movie, More Than Words, to be shown on May 11. "It feels nice. I miss this. Masaya that I’m back, I’m working. I’m acting again,” says Sarah in an interview at the last taping day of the said telemovie yesterday, April 14.

Sumabak na muli sa pag-arte sa telebisyon si Sarah Lahbati matapos niyang iwan ang showbiz ng mahigit isang taon.

Base sa positibong disposisyon ng 20-year-old actress, tila tuluyan na rin siyang nakabangon mula sa pagkakasangkot niya sa isang masalimuot na legal battle kontra sa GMA Films President na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Pahayag ni Sarah, “It feels good that I have peace of mind.

“But I also keep in mind na hindi rin naman mawawala ang intriga at ang mga problema.

“Kailangan lang kayanin and then mag-move on agad.

“So, sanayan lang din ‘yan.”

Matatandaang nag-ugat ang kanilang hidwaan nang magkapalitan ng mga akusasyon sina Sarah at Annette.

Sumunod nito ay ang paghain ni Annette ng reklamong libel laban kay Sarah noong January 2013.

Bilang sagot ay naghain si Sarah ng reklamong libel, perjury, grave coercion, at unjust vexation laban kay Annette noong July 2013.

Ngunit na-dismiss lahat ang apat na reklamong inihain ni Sarah laban kay Annette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pormal namang nagkaayos ang dalawa nang magharap sila sa isang mediation na ginanap noong February 17, 2014.

Read: Sarah Lahbati and Atty. Annette Gozon-Abrogar end their rift after mediation

Bahagyang natawa si Sarah nang tanungin kung ano ang pakiramdam na nalampasan niya ang ganito katinding pagsubok sa kanyang buhay.

“I don’t want to go back through it again,” sagot ng Swiss-Filipino actress.

ONE-TIME PROJECT WITH TV5. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Sarah sa last taping day ng made-for-TV movie ng TV5, ang More Than Words, kahapon, April 14.

Ito ang kauna-unahan niyang acting project mula nang iwan ang showbiz at mamalagi sa Geneva, Switzerland noong nakaraang taon.

“It feels nice. I miss this. Masaya that I’m back, I’m working. I’m acting again.”

Kuwento pa ni Sarah, nakaramdam siya ng paninibago pagdating sa matagal na oras na ginugugol niya sa set noong una siyang sumabak sa taping noong nakaraang linggo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nabigla lang yung katawan ko na ganito pala yung ginagawa ko before.

“I’m used to waking up early and sleeping early, so nung first taping day, medyo na-shock ako.

“Pero okay naman. Kinaya naman. Sanayan lang,” nakangiting saad niya.

Nang tanungin kung may plano ba siyang lumipat sa TV5, nilinaw ni Sarah na nananatili siyang exclusive artist ng Artist Center ng GMA.

Nagkataong lang na “pinahiram” umano siya ng GMA para sa telemovie na ito ng Kapatid network.

Limang taon ang pinirmahang kontrata ni Sarah sa GMA bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck noong 2010.

Kinumpirma ng aktres na tatapusin niya ito hanggang February 2015.

“As of now, I’m under GMA.

“I’m happy naman po with everything.

“Ayoko muna isipin muna yung mga gano’ng bagay.”

Ngayon ba ay desidido na siyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career at hindi na muling umalis ng bansa?

Sagot ni Sarah, “I always thought na parang this will always be a part of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yeah, I went to Geneva because I wanted to relax and study, but I couldn’t study because mali nga ang timing ko.

“Pero hindi nawala sa isip ko na balang araw I’ll go back to acting.

“And yun nga po, it’s part of me na.”

Bagamat mahigit isang taon din siyang huminto sa pag-aartista, hindi nagpadala si Sarah sa posibilidad na hindi na siya tanggapin muli ng publiko.

“Kasi ‘pag naiisip ko na marami akong naging kaibigan dito, marami akong nakilala dito na close sa puso ko, parang di na pumapasok sa isip ko yung negative thoughts,” sabi niya.

Read Next
Read More Stories About
Sarah Lahbati
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Sarah Lahbati returns to acting via TV5's made-for-TV movie, More Than Words, to be shown on May 11. "It feels nice. I miss this. Masaya that I’m back, I’m working. I’m acting again,” says Sarah in an interview at the last taping day of the said telemovie yesterday, April 14.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results