PEP SCOOP. Toni Gonzaga is pregnant!

by Erwin Santiago
Feb 11, 2016
According to a PEP source, Kapamilya TV host-actress Toni Gonzaga is now pregnant to her first child with husband Paul Soriano.

Buntis na si Toni Gonzaga, 32, sa una nilang anak ng kanyang mister na si Paul Soriano, 34.

Ito ang kinumpirma ng isang source, na nasa sirkulo nina Toni at Paul, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo nina Toni at Paul tungkol sa pagbubuntis ng TV host-actress.

Maging sa kanilang social media accounts ay wala pang pahiwatig ang mag-asawa.

Ang pagbubuntis na ito ni Toni ang sinasabing dahilan kung kaya’t naantala ang gagawin sana niyang primetime series para sa ABS-CBN, ang Written In Our Stars, kung saan kasama niya sa cast sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Jolina Magdangal.

Noong July 2015 pa inanunsiyo ang pagsisimula ng taping para sa Written In Our Stars at nakatakda sana itong umere ngayong first quarter ng 2016.

Ngunit may mga nagsasabi namang iba ang dahilan kung bakit pansamantalang naantala ang pagpapalabas nito.

Ikinasal sina Toni at Paul noong June 12, 2015 pagkatapos ng walong taong pagiging magkasintahan.

Continue reading below ↓

Sa isang panayam ni Toni pagkatapos nilang ikasal ni Paul, sinabi niyang balak nilang magkaanak ng “late 2016 or early 2017.”

Gusto raw muna kasi nilang i-enjoy ang isa’t isa dahil ngayon lang sila talaga nagkasamang dalawa mula nang magkaroon sila ng relasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero mukhang mapapaaga ang pagdating ng kanilang unang supling.

Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano plan to have a baby late 2016 or early 2017

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a PEP source, Kapamilya TV host-actress Toni Gonzaga is now pregnant to her first child with husband Paul Soriano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results