Galit na niresbakan ni Andi Eigenmann ang bashers na tinawag na "pangit" ang kanyang four-year-old daughter na si Ellie.
Sa Twitter idinaan ni Andi ang kanyang sagot sa nanlait sa anak.
To those who are insulting my 4 yr old, Hiyang hiya naman ako sa gaganda ninyong lahat!
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
Nag-ugat ang naturang sagot ni Andi sa dalawang komento sa Instagram na diumano'y pangit ang kanyang anak.


Itong dalawang natatanging komento ang negatibo sa comment section kung saan halos lahat ay nagagandahan kay Ellie.
PRAYING FOR IRRELEVANT PEOPLE. Sa iba pang tweets ng Kapamilya actress, sinabi nitong ipagdadasal na lang niya ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang hamakin ang isang batang inosente.
Sinabi rin nitong ngayong malapit na ang eleksyon at magpapalit na ng pamunuan ang gobyerno, dapat ding magbago na ng ugali ang mga taong walang modo.
I hope and pray that you irrelevant people find better things to do w your life than wasting it being so envious even with an innocent child
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
Pst. Magbabago na presidente natin ohhh. Ikaw? Kelan ka magbabago?
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
Wala sa presidente ang pag unlad ng bansa, nasa atin.
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
Wala sa presidente ang paguunlad ng bansa. Nasa ating lahat.
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) May 5, 2016
Ito ang dahilan kaya sinabi ni Andi noong bihira na lang siyang mag-post ng larawan ng anak sa anumang social media.
Read: Andi Eigenmann limits posts about her daughter because of 'judgmental people'
Kamakailan lamang, nilait din ng isang basher ang anak ni Bianca Gonzalez na si Lucia at tinawag itong 'negra.'
Read: Bianca Gonzalez defends daughter Lucia from bashers
