Nag-celebrate ng kanyang "#almostgolden birthday" si BB Gandanghari kahapon, September 4.
Hindi man sinabi ang kanyang totoong edad, halata namang 49th birthday ang kanyang ipinagdiriwang dahil sa hashtag niyang ginamit na #almostgolden.
Sa Instagram, isang sexy photo ni BB ang ibinahagi niya sa kanyang followers, kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng mga bumati sa kanya.
Sabi niya sa caption: “#almostgolden... Getting a lot of greetings now. Cheers! ???????????????? #thanks for the LOVE guys! #nomakeup #nofilter #nophotoshop #selfie.”
Binati naman siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

Kahit na suportado ni Robin ang hakbang ng kapatid na papalitan ang kanyang pangalan at gender, nilinaw nitong hindi 100 percent ang kanyang pagsang-ayon sa layunin ng kanyang 'ate.'
Read: BB Gandanghari files petition for change of name and gender in California: 'CHANGE is coming!!!'
