PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta alludes to wrong person that she loved before

Sharon Cuneta says she regrets wasting her time on this unnamed person. 
by Rachelle Siazon
Published Oct 2, 2018 | Updated Sep 20, 2018
Sharon Cuneta alludes to an unnamed person who is among the "wrong people" whom she regrets wasting her time on in the past. 

Nagpahaging si Sharon Cuneta na pinagsisisihan niyang minahal noon ang isang taong hindi raw marunong magpakatotoo.

Base ito sa Instagram post ng Megastar kahapon, September 19, kung saan nagbahagi siya ng isang quote card tungkol sa mga taong hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras.

Sabi rito: "I don't regret my past. I just regret the time I have wasted with the wrong people."

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Sa comments' section, isang netizen ang nagtanong kay Sharon, "Madame po ba?"

Sagot ni Sharon, "yung iba at least totoo. ISA LAAAAAANG ANG FEELING KO HINDI."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat walang pinangalanan si Sharon, may ilang netizens ang nanghula na posibleng ang dati nitong mister na si Gabby Concepcion ang tinutukoy ng Megastar.

Lalo pa't hindi kaila sa publiko ang hidwaan sa pagitan nina Sharon at Gabby pagkatapos ng naunsiyami nilang pagkakaayos noong Pebrero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan lang ay nabanggit ni Sharon na clueless siya kung bakit bigla na lang silang nagkasira ulit ng kanyang ex-husband.

Sa panayam niya sa Gandang Gabi Vice noong September 9, inihayag din ni Sharon ang masalimuot na nakaraan nila ni Gabby na akala niya ay siya na talagang makakasama niya habambuhay, kasama ng anak nilang si KC Concepcion.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang masakit sa akin talaga, nung nag-asawa kami, yun talaga ang gusto ko.

"Parang feeling ko I found my prince, kasi fairy tale na yung buhay ko, e.

“Ito na yung tuldok. Wala na akong gusto sa buhay.

"Gusto ko na lang buhay ko siya tsaka yung bata."

Pero sa kabila ng lahat ng ito, bukas pa rin daw si Sharon na maging kaibigan ulit si Gabby.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa parte ni Gabby, pahapyaw itong nausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanila ni Sharon sa isang presscon noong September 17.

Dito ay nabanggit ni Gabby na willing itong makipag-duet kay Sharon sa 40th anniversary concert ng huli kahit pa may tampuhan sila.

READ PEPALERTS: Gabby Concepcion, willing makipag-duet kay Sharon Cuneta kahit may tampuhan sila

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta alludes to an unnamed person who is among the "wrong people" whom she regrets wasting her time on in the past. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results