Hindi lang pala ang celebration ng kanyang 24th birthday ang dahilan ng pagpunta ng Kapuso actor Kristoffer Martin sa Japan kamakailan.
Read: Kristoffer Martin celebrates 24th birthday in Japan
Kasama rin pala ang pag-celebrate ng fifth anniversary ng aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Alyssa Celine "AC" Banzon.
Pinost ni Kristoffer ang photo nila ni AC kunsaan holding hands sila habang naglalakad sa busy streets ng Shibuya, Tokyo.
View this post on InstagramHolding the same hand for 5 years now. No plan of letting go. Happy anniversary my love.
Tinawag pa ni Kristoffer si AC na "my dream girl."
Simple lang naman ang nilagay na caption ng aktor sa kanyang post habang namamasyal sila sa Tokyo Disney Sea.
Samantala, si AC ay nag-post din ng sweet anniversary message para kay Kristoffer:
View this post on Instagram
Sa pagpasyal naman nila sa Tokyo Disneyland, ito ang naging mensahe ni AC noong birthday naman ni Kristoffer noong nakaraang November 21:
