Nash Aguas says childhood crush Mika dela Cruz is worth the wait

by Rachelle Siazon
Dec 5, 2018
<p>Nash Aguas says being in a relationship with Mika dela Cruz is an answered prayer after all their missed opportunities in the past. "Di ba, uso nun kapag may crush ka, may first crush, may second crush, may third crush? Wala akong ganun. Siya lang talaga ang crush ko. Legit," recalls Nash of his <em>Goin Bulilit</em> days with Mika.</p>
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @mikadlcruz Instagram

Isang taong niligawan ni Nash Aguas ang girlfriend niyang si Mika dela Cruz, pero hindi raw siya nainip na makuha ang matamis nitong "oo" noong October 20, 2018.

Sina Nash at Mika ay magkasabay na lumaki sa ABS-CBN kid-oriented gag show na Goin’ Bulilit.

“Sipag at tiyaga,” nakangiting sabi ni Nash kung paano niya napasagot si Mika.

“Actually, nagulat nga ako na one year lang.

"May tendency siya na puwedeng tagalan niya ng three years or four years. Bully yun, e.

“Wala naman akong paki kasi parang sobrang suwerte ko na nga na nagkita kami ulit.

“In a way, na-close yung issues dati. Nagkaroon ako ng second chance.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nash sa Star Magic Gives Back 2018, na ginanap sa St. Maria Mattias socio-educational center for hearing and non-hearing kids, sa Marikina City, noong Sabado, December 1.

Kung tutuusin ay mas matagal ang ipinaghintay ni Nash dahil seven years old pa lang siya ay super crush na niya si Mika.

Continue reading below ↓

Todo ang pagpapa-cute niya noon para lang makuha ang pansin ni Mika, na umamin ding may gusto sa batang Nash.

Tandang-tanda pa ni Nash na December 2008 nang magsabihan sila ng “I love you” ni Mika sa kanilang palitan ng text messages.

“Seven ako nun. Christmas yun, e, nung nag-'I love you' ako sa kanya. Nag-'I love you too'! E, di tuwang-tuwa ako.

“Ta’s biglang nung magno-noche buena na, sabi niya, ‘As a friend lang yun, ha? Baka kung anong isipin mo. Hahaha!’

“Sobrang lungkot ng Pasko ko!”

Gusto na raw “sumuko” ni Nash noon, pero hindi pa rin agad nahinto ang pagkakagusto niya kay Mika.

Kuwento pa ni Nash, “Umaasa pa rin ako.

“Six years ko siyang naging crush.

"Di ba, uso nun kapag may crush ka, may first crush, may second crush, may third crush?

Continue reading below ↓

“Wala akong ganun. Siya lang talaga ang crush ko. Legit.”

THEIR LOVE STORY

Nauna nang inamin nina Nash at Mika sa kanilang Instagram posts ang hiwalay na bersiyon ng love story nila na 11 o 12 years in the making.

Ang totoo ay may gusto si Mika kay Nash, pero mahigpit na pinagbawalan ang una na magka-boyfriend sa murang edad.

Nahuli pala kasi si Mika ng mga mga kapatid nito na nag-text ng “I love you” kay Nash.

Kaya napilitan daw si Mika na iparamdam kay Nash na magkaibigan lang talaga sila.

Kinumpirma naman ni Nash ang mga pandedeadma sa kanya noon ni Mika.

Patuloy ni Nash, “Meron yun in-invite niya ako sa birthday ng pamangkin niya.

“Ta’s nag-invite din siya ng tatlong kaklase niya na crush niya raw yun lahat.

"Ta's di niya ako pinansin the whole party. Naiwan lang ako sa table namin.

Continue reading below ↓

“Yun pala, sinasadya niya yun. Takot na takot siya sa ate niya.”

Ang tinutukoy ni Nash ay ang nakatatandang kapatid ni Mika na si Angelika dela Cruz.

Nito lang 2018, nang maging sila na, nalaman ni Nash ang bersiyon ni Mika.

“Akala ko trip niya lang talagang inisin ako. Kaya pala niya ginawa kasi nahuli siya ng kuya niya.

"So, nagkakaroon ng explanation lahat."

Continue reading below ↓
IMAGE @zackwey / @mikadlcruz Instagram

MISSED OPPORTUNITIES

Pero bago ito ay matagal ding nagkahiwalay ang landas nina Nash at Mika nang magbinata at magdalaga sila.

Naging ka-love team ni Nash si Alexa Ilacad (NLEX), na naging ka-mutual understanding din ng binata noong panahong iyon.

Habang si Mika ay patuloy sa solo career nito, hanggang sa magdesisyong lumipat ng GMA Network noong 2016.

Pero muling nagtagpo ang landas nila nang magkaroon sila ng biglaang Goin’ Bulilit reunion noong August 2017.

Kuwento ni Nash, “Actually, nung nagkita kami ulit ni Mika, ilang months na kaming wala ni Alexa.

"Alam ko rin na merong special someone din si Mika nun.

“Siyempre ako, hindi ko talaga siya nilalapitan. Umuwi ako nang mas maaga, kahit nandun pa siya.

“Kasi ayoko ngang kausapin siya or ano dahil alam ko ngang may conflict.

“Naghintay talaga ako.”

Nang wala nang sagabal sa panliligaw ni Nash, may isang pagkakataong plinano niyang magkaroon ulit ng Goin’ Bulilit reunion sa Muramen restaurant na pag-aari ni Nash.

Continue reading below ↓

Hindi pa raw noon open to public ang kanyang restaurant, pero pinaimbita raw niya si Mika sa dating Goin’ Bulilit mainstay ring si Nikki Bagaporo.

Pero naudlot dahil nagkataong hindi puwede si Mika noon.

Kuwento ni Nash sa kanyang pag-aalangang ituloy ang panliligaw kay Mika, “Sabi ko, huwag na lang siguro. Di na ako mag-e-effort kasi parang bad timing din.

“Ipinagdasal ko na lang na, ‘Siguro naman, Lord, kung nakalaan naman, mangyayari.’

“Ta’s yun, tuluy-tuloy, naging magkaibigan ulit kami. Ta’s may bago kaming group of friends.”

Continue reading below ↓
IMAGE @zackwey / @mikadlcruz Instagram

FEELS AT HOME WITH MIKA

Pakiramdam ni Nash ay tadhana na ang gumawa ng paraan na magkalapit ulit ang loob nila ni Mika.

Sobrang saya raw ng Kapamilya actor ngayong sa wakas ay magkasintahan na sila.

"Magkasundo talaga kami. Yung relationship namin, more on parang tropa kami. Magkaibigan, e.

"Last na nakita ko siya, pre-teens kami sa LUV U, so lahat ng memories ko sa kanya, yung bonding namin nung bata kami.

"So, parang bumabalik ako sa pagkabata. Parang at home yung feeling."

Ang LUV U ay ang dating weekly teen-oriented show ng ABS-CBN kung saan naging co-stars din ang dalawa.

Ano ang napansin niyang pagbabago kay Mika ngayong dalaga na ito?

"Walang nagbago sa kanya. Ganun pa rin siya," nakangiting sambit ni Nash.

"Si Mika, boyish talaga, adventurous.

"Kinukuwento nga niya sa akin, nung nag-teens siya after ng LUV U, trinay niya raw na maging girly.

"Makikita niyo sa Instagram niya, sobrang parang sosyal na ano."

Continue reading below ↓

Pero napansin daw ni Nash na bumalik si Mika sa normal nitong pagiging "cowboy" at walang arte sa katawan.

"Nung nagkita kami ulit, tinanong ko siya ba't nag-iba na after niyang maging pa-girly.

"Akala niya kasi di siya tatanggapin ng tao na parang brusko siya na ewan.

"Ngayon, natutuwa ako sa ganun, kasi naaalala ko yung dati."

Mas gusto raw ni Nash yung pagiging cowboy ni Mika kaysa kung pa-girly ito.

"Sobrang chill lang niya. Hindi maarte," sabi ulit ni Nash.

Continue reading below ↓
IMAGE @mikadlcruz / @zackwey Instagram

FIRST CHRISTMAS WITH MIKA

Excited na rin si Nash na i-celebrate ang first Christmas nila ni Mika together.

Ano ang plano niyang iregalo sa Kapuso actress?

Sagot ni Nash, "Ayoko ng material, e. Siguro punta kami ng, like, out of town kasi mas masaya yun, e."

Naniniwala raw kasi si Nash na yung bonding nila ni Mika ang magpapatibay sa kanilang relasyon.

"Nung bata kami, ang tagal naming nawalan ng communication, pero pinanghawakan namin is yung memories namin.

"In a way, yun yung special gift para sa akin."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nash Aguas says being in a relationship with Mika dela Cruz is an answered prayer after all their missed opportunities in the past. "Di ba, uso nun kapag may crush ka, may first crush, may second crush, may third crush? Wala akong ganun. Siya lang talaga ang crush ko. Legit," recalls Nash of his <em>Goin Bulilit</em> days with Mika.</p>
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @mikadlcruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results