Anne Curtis explains dangerous photo taken at Devil's Pool in Africa

by Bernie V. Franco
Dec 10, 2018
<p>Anne Curtis assures that extra precautions were taken when she posed for a photo (inset) at the end of Devil's Pool in Zimbabwe.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (inset)

Nagpaliwanag si Anne Curtis, 33, hinggil sa agaw-atensiyong Instagram photo niya dahil sa pagiging delikado umano nito.

Sa larawan, makikita si Anne na nasa dulo ng Devil's Pool, na matatagpuan sa world-famous na Victoria Falls sa Zimbabwe.

Kuha ang larawan mula sa recent one-month vacation ng It’s Showtime host kasama ang asawang si Erwan Heussaff sa Africa.

Sa comments section, maraming netizens ang naghayag ng kanilang pangamba sa "buwis buhay" na larawan ni Anne.

Kabilang sa mga nagkomento ay ang kapwa niya celebrities na sina Dawn Zulueta, Erik Matti, Isabelle Daza, Coraleen Waddell, at Jed Madela.

Continue reading below ↓

IS IT SAFE?

Nagpaliwanag si Anne tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng pelikulang Aurora noong Biyernes, December 7.

Aniya, "Alam ko maraming natakot, pero ang daya nun, kasi may nakahawak sa paa ko.

"May guide na kasama, so yun ang nakakatawa dun."

Kinumpirma kay Anne kung totally safe ba ang kanyang ginawa.

Sagot ng Kapamilya star, “I wouldn’t say it’s totally safe. I mean, there’s just someone holding you, di ba?

“But they close that when it’s high season. So, pag mataas yung tubig, nakasara yun.”

Isa pang dinagdag ng couple sa kanilang Anne Curtis-Erwan Heussaff adventures ay ang makihalubilo sa gorillas, na ibinahagi rin ng aktres sa Instagram.

View this post on Instagram

Honeymooners + a silverback gorilla. ???? #BestPhotobomberEVER #ERWANNEderlust #ERWANNEderlustAFRICA

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Sinabi ng Anne na natakot din sila sa kanilang ginawa, lalo pa’t may isang gorilla na tinabig si Erwan.

“Lahat naman kami natakot, parang ginanun lang siya [Erwan].

Continue reading below ↓

"Pero wala ka kasing choice kundi maging submissive ka na lang at umupo ka na lang.

"But in nature, gentle naman sila, basta hindi ka magpakita ng threat to them," saad niya.

AWARDS OR BOX OFFICE SUCCESS?

Samantala, dalawang linggong nanatili sa Batanes si Anne para sa shooting ng horror movie na Aurora.

Hindi nga raw nila inasahang mapapabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ang kanilang pelikulang idinirek ni Yam Laranas.

“When we started shooting kasi, we never expected na mapapasama siya [sa MMFF].

"So, when we were told na it was the first script, in fact, that was chosen, we were thrilled, so lalo naming ginalingan."

Paglalarawan pa niya sa pelikula, “Not your typical horror film, hindi ito yung tipong sigaw lang ako nang sigaw.

"It’s a very quiet and different kind of film."

Ipalalabas ang Aurora simula sa araw ng Pasko, December 25.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Anne Curtis assures that extra precautions were taken when she posed for a photo (inset) at the end of Devil's Pool in Zimbabwe.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results