Tila lalong gumaganda ang relasyon ng Kapamilya actress na si Sofia Andres at ng Cebu-based car racer na si Daniel Miranda.
Sa post ni Sofia sa Instagram kahapon, February 19, tinawag niyang “my love” ang rumored boyfriend sa comments section.
View this post on Instagram
Sabi ni Daniel sa kanyang post, “Pretty.”
Sumagot naman si Sofia sa kanya.
Saad ng aktres, “@danielmirandaa_ thanks my love”
Noong October 2018, unang umugong ang balitang may bago nang boyfriend si Sofia.
Nag-post kasi ito ng larawan kung saan sweet na sweet sila habang nasa isang unknown beach.
Si Daniel ay mula sa mayamang angkan sa Cebu.
Featured Searches: