Jam Sebastian remembered by brother Yexel on his fourth death anniversary

by Arniel C. Serato
Mar 4, 2019
In 2015, online sensation Jam Sebastian lost his battle with lung cancer. On his fourth death anniversary, his brother Yexel posts a tribute to remember him.
PHOTO/S: Courtesy: @yexelsebastian on Instagram

Ngayong araw, March 4, ang ika-apat na taong anibersaryo ng kamatayan ni Jam Sebastian.

Si Jam ay sikat na vlogger at kalahati ng dating YouTube sensation na Jamich, ang tawag sa love team nila ng kasinthang si Mich Liggayu.

Nabuo ang kanilang sikat na online love team noong 2011.

Sinubaybayan ito ng kanilang mga tagahanga hanggang sa pumanaw si Jam noong taong 2015 dahil sa Stage 4 lung cancer.

Sa Instagram ngayong araw, nagbahagi ng tatlong larawan ang nakatatandang kapatid ni Jam na si Yexel Sebastian tungkol sa namayapang kapatid.

Mensahe niya sa caption: “4 years nadin tol ambilis ng panahon.

"Lahat ng ito ay para sayo

"Ilalaban ko lahat ng iniwan mo

"Mahal kita brother

"Salamat sa lahat

"Bantayan mo si Mama."

Sa ngayon, hindi na aktibo ang YouTube channel ng Jamich, na halos umabot sa lagpas 10 million ang views bawat video uploads nila noon.

Samanatala, si Mich ay patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa kanyang career sa mundo ng showbiz.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2015, online sensation Jam Sebastian lost his battle with lung cancer. On his fourth death anniversary, his brother Yexel posts a tribute to remember him.
PHOTO/S: Courtesy: @yexelsebastian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results