PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy2 Quizon talks about being actor-producer for barkada movie Coming Soon

This barkada movie will open in cinemas on April 17.
by Glenn Regondola
Published Apr 15, 2013
Pinagkakagulahan na si Boy2 Quizon ng ibang entertainment press nang sumama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pag-i-interview sa kanya noong April 5.
May kaugnayan ang panayam sa pelikulang Coming Soon kunsaan isa si Boy2 sa mga bida at producer.
Ang barkada movie na ito ay sa direction ni Martin Aviles, distributed by Viva Films. Ipapalabas na ito sa sinehan on April 17.
Bukod kay Boy2, kasama rin niya sina Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Carla Humphries, Dominic Roco, among others.
Excited na kuwento ni Boy2 tungkol sa proyekto nila, “Parang masaya, kasi baby project.
“Actually, kapag napanood ninyo ang movie, ang una niyong sasabihin ay ‘Mga luku-lukong bata ito—naglaro!
“Ganoon ang mararamdaman ninyo. Kasi nga, it’s really a fun movie about adventures ng mga magkaka-barkada.
“Tapos yun nga, kami-kami rin ang nag-produce kaya mas masaya—parang wala lang—naglalaro lang kaming lahat.
“So kapag tinanong ka about the end of the world, wala na raw. Ayon sa Mayan calendar, coming soon!” natatawang sabi pa niya.

Ang Coming Soon ay tungkol sa anim na magkakaibigan na gustong marating ang kanilang mga pangarap bago dumating ang "end of the world."

Sa pelikula, si Monica (Andi Eigenmann) ay isang socialite na may pagka rebelde. Si Boy 2 ay si Sikyu, the lider ng grupo na walang direksiyon ang buhay.

Si Dominic Roco naman ay isang hopeless romantic computer geek na ang pangalan ay Darwin. Si Glaiza de Castro ay is Sab, isang babae na seryoso sa buhay at sobrang organized.

Ang newbie actor na si Cholo Barretto ay si Nacho, isang lalaki na mahilig sa supernatural samantalang si Carla Humphries ay si Dana, isang starlet na ang tanging pangarap niya ay umani ng recognition.

(CLICK HERE to read related article)

PRODUCER-ACTOR. Si Boy2 ang lumalabas na bida dito base sa trailers na ipinapakita.
Tanggi niya, “Actually, hindi. Actually lahat kami ay mga highlight scenes.
“Parang trip kasi ‘yan ng barkada. Yung nagsimula sa biruan, tapos, ‘Heto na, o.’
“It’s a nice feeling na kasama kami sa unang pelikula na prinodyus naming magkakaibigan.
“Nagawa ko ito na kami-kami ang magkakasama.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Boy2 Quizon, movies
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results