PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Goin' Bulilit stars excited about fulfilling their New Year's Resolutions

The Bulilits will do "Twelve Days of Christmas" this Sunday.
Published Dec 31, 2010
Goin' Bulilit stars Sharlene San Pedro and Nash Aguas are excited about fulfilling their New Year's resolutions.

PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Kung inaakala ng nakararami na mga matatanda lamang ang dapat magbagong-buhay ngayong bagong taon, dyan sila marahil nagkamali. Maging mga Goin' Bulilit stars kasi ay excited ng tuparin ang kaniya-kaniyang New Year's resolution para sa darating na taong 2011.

"Isa nga sa mga nais baguhin ng bahagya ang kanyang nakagawiang pamumuhay ay ang Goin' Bulilit pioneer na si Nash Aguas. Aniya, bilang isang lumalaking bata, lalo pa niyang dapat pag-ibayuhin ang disiplina sa sarili.

"'Ngayong darating na 2011, dapat bigyang halaga pa lalo ang pag-aaral ngayong lumalaki na ako,' ani Nash.

"Buong-puso ding ipinagmalaki ni Nash na malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang magulang na laging dumidisiplina't gumagabay sa kanya. 'Siyempre po alam ng magulang ko yung New Year's resolution ko, para kung sakaling makalimot po ako, ire-remind nila ako.'

"Hangad naman ni Aaron Junatas na magkaroon ng mas maraming time na makipag-bonding sa pamilya sa pagpasok ng bagong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Sobrang naging busy po ako sa pag-aartista nu'ng 2010. Ngayon po gusto ko naman na magkaroon ng time sa pamilya ko,' sabi ni Aaron.

"Para naman sa sandamakmak na blessings na natanggap ni Sharlene San Pedro, dasal-pasasalamat naman ang nais niyang parating gawin. Bukod daw kasi sa kanyang mapagmahal na mga magulang, Diyos daw ang kanyang inspirasyon.

"'Lalo pa po akong magpe-pray na sana patuloy pa yung mga blessings na matanggap po ng family namin. Sana din gabayan pa kami ni Bro.' Ani Sharlene.

"Ngayong darating na Linggo, sa Goin' Bulilit, pagkatapos ng TV Patrol Weekend, 12 Days of Christmas musical ang drama ng kwelang-kwelang mga Bulilits. Plus, ibibigay din nila kung anong 'in' at 'out' para sa taong 2011. Hindi pa diyan natatapos ang walang-humpay na hagalpakan. Umaatikabong gags na tungkol sa bagong taon ang kanilang ihahandog.

"Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng Goin' Bulilit ngayong ngayong bagong taon. Huwag palampasin ang Goin' Bulilit ngayong Linggo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Goin' Bulilit stars Sharlene San Pedro and Nash Aguas are excited about fulfilling their New Year's resolutions.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results