Ai-Ai delas Alas unbothered BB Gandanghari did not apologize to her: “Happy New Year na lang sa kanya.”

by Bernie V. Franco
Jan 11, 2021
Ai-Ai delas Alas (left) ont rift with BB Gandanghari (right): “Di ba, yung unbothered sa Tagalog, walang paki?"
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / YouTube (BB Gandanghari)

Wala raw pakialam si Ai-Ai delas Alas kung hindi man mag-sorry o hindi sila magkaayos ni BB Gandanghari kahit Bagong Taon na.

Nagkaroon ng hidwaan ang dating malapit na magkaibigan noong 2020.

May kinalaman ito sa kuwento ni BB sa YouTube tungkol sa romantic encounter nina Jonathan at David noong 2001.

Kalaunan, inamin ni BB na si David ay ang kanyang dating katauhan na si Rustom Padilla, at si Jonathan ay isang sikat na aktor sa bansa.

Isa si Ai-Ai sa mga artistang nagsabing sana ay mag-move on na si BB tungkol sa nakalipas niyang ito.

Sana rin daw ay hindi na idinamay ni BB sa kanyang kuwento ang isang taong nananahimik.

Niresbakan ni BB si Ai-Ai. Sa isang vlog ay tinawag nitong “ipokrita, plastic, kaibigang putik” si Ai-Ai.

Nangyari ito bandang September noong 2020.

Pero bago sumapit ang New Year, nag-iba ang ihip ng hangin kay BB.

Matapos daw niyang sumailalim sa 40-day fasting, napag-isip-isip niya ang kanyang mga pagkakamali.

Continue reading below ↓

Sa isang YouTube vlog bago mag-New Year, humingi ng sorry si BB sa mga nakaaway niya last year gaya ng kapatid na si Robin Padilla, at sa talent managers-columnists na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Nabanggit din ni BB sa kanyang vlog na nag-reach out siya sa mga taong nakaaway niya last year.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung nag-sorry o nakipag-ayos din ba si BB sa kanya.

“Ah, si BB Gandanghari. Hindi sa akin. Hindi siya nag-sorry.

"Hayaan mo na. Hayaan mo na siya.

“Hayaan mo na siya huwag mag-sorry. Okay na yun.

"Happy New Year na lang sa kanya," sabi ni Ai-Ai sa contract renewal niya bilang HOBE Noodles brand amabassador, ngayong Lunes, January 11.

Paninindigan daw ni Ai-Ai ang pagiging “Unbothered Queen” sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

“So, papanindigan ko na. Hayaaan mo na.

“Di ba, yung unbothered sa Tagalog, walang paki? Hahaha!

Continue reading below ↓

“Hayaan mo na,” diin niya.

Paliwanag ng Kapuso star, “Oo, kasi, as long as buhay ako, na hindi naman ako mamamatay kung di siya mag-sorry sa ‘kin...

“Basta yun na lang ang prinsipyo ko—until hindi naman ako mamamatay or magkakasakit ako, deadma na lang.”

TRENDING PERFORMER

Nagpakatotoo rin si Ai-Ai at sinabing nae-enjoy niya ang pagti-trend sa social media dahil sa kanyang pagpe-perform ng mga kanta ng K-Pop group na BLACKPINK.

Aniya, bagamat wala ring tigil ang batikos at pang-aalipusta sa kanya, tanggap niya ang mga ito.

Wala rin daw siyang intensiyong itigil ito hangga't nasisiyahan siya.

Ai Ai delas Alas BLACKPINK

Continue reading below ↓

“Na-embrace ko na rin. Aspect ng buhay natin nandiyan yung mga basher, di ba?

“As long as hindi naman ako nakakasakit ng tao o nang-aapi ng tao, mas natutuwa pa nga yung iba, okay lang sa pagiging Unbothered Queen ko.

“Basta happy naman ako sa ginagawa ko, and kasi talagang paborito ko kasi ang BLACKPINK.

“At saka ayoko rin namang umarte. Huwag na rin tayong magpaka-plastic.

“Pag kumakanta naman ako ng Korean, talagang nagte-trending. So, di ba, yun naman ang essence ng buhay?

“Gusto mong mag-trend ka… di naman ako plastic, ha, talagang gusto kong mag-trend ako.

“So, yun ang ginagawa ko, nagti-trend ako pag kumakanta ako ng Korean. So, gagawin at gagawin ko yun.”

Giit pa ni Ai-Ai, hindi madaling mag-memorize ng isang Korean song, at para sa kanya ay deserve niyang purihin sa effort niyang ito.

“Mahirap din kayang mag-memorize ng Korean song.

“Pag sinulat mo yun, di mo naman mababasa yun, e.

Continue reading below ↓

“Dapat ang me-memorize-in mo, yung sa YouTube, yung easy lyrics. Pero ako, nakakanta ko yun.

"So kahit papa'no, bigyan niyo naman ako ng merit, pwede ba yun?” natatawang sabi ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas (left) ont rift with BB Gandanghari (right): “Di ba, yung unbothered sa Tagalog, walang paki?"
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / YouTube (BB Gandanghari)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results