Angel Locsin warns followers against fake propaganda about her running for senator in 2022

by Arniel C. Serato
Sep 29, 2020
Angel Locsin on fake propaganda about her: "Mag-ingat at wag magpaloko.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Umaray si Angel Locsin sa ipinapakalat na impormasyong tatakbo umano siyang senador sa susunod na eleksyon upang itama raw ang mga mali sa gobyerno.

Sa kanyang Twitter account nitong Lunes ng gabi, September 28, mariing itinanggi ni Angel ang panibagong propaganda laban sa kanya.

Saad ng 35-year-old star, “Mag-ingat sa mga maling propaganda.

“Sino ang gumagawa at bakit may effort gawin ito? Mag-ingat at wag magpaloko.”

Kalakip ito ng screenshot ng tweet ng isang basher ukol sa nasabing propaganda.

Mensahe ng basher, “Viral guys angel Locsin sa fb pati mga fans nya todo post,,,karapat dapat daw ang PEKENG ANGEL na maging senador at itama ang nabubuang nyang pagiisip.”

May kasama itong link sa YouTube na may cover photo ng mukha niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakalagay dito: “ITUTUWID… ko ang mga MALI!! Angel Locsin for SENATOR."

Ang titulo naman ng video ay "ANGEL LOCSIN formal Ng Nagpahayag na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng LP Coalition."

Continue reading below ↓

Ang "LP" ay ang opposition party na Liberal Party, kung saan kabilang si Vice President Leni Robredo.

ANGEL, NEIL POSTPONE NOVEMBER WEDDING

Makailang ulit nang sinabi ni Angel na wala siyang interes sa pultika at hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon.

“Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko yun,” sabi ng aktres sa isang Facebook Live noong May 1, 2020.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, nakatuon ang atensiyon ni Angel at ng fiancé niyang film producer na si Neil Arce sa kanilang nalalapit na kasal.

Dapat sa Nobyembre na ang inaabangang kasalan ng dalawa ngunit dahil sa pandemya ay iniurong nila ito sa 2021.

Hindi naman nila masabi kung engrande o intimate ba ang kanilang pag-iisang dibdib.

Pero dahil si Neil ang siyang nakatutok dito, hindi raw niya masabi kung simple o bongga ang kasalan.

Saad ni Neil sa isang panayam, “We were thinking, 'Should we do it small?' But that's not us, e. We're friends, we have a group of friends.

"We want everyone to be there. We want everyone to have fun.

"And you know, Angel didn't attend their prom. She didn't have a debut.

"So this is the only big party she's going to have."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on fake propaganda about her: "Mag-ingat at wag magpaloko.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results