May nakitang green bones sa cremated remains ng maternal grandmother ni Carla Abellana na si Delia Razon.
Ito ang ibinunyag ng Kapuso actress sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Huwebes, March 20, 2025.
Ibig sabihin, na-cremate na ang mga labi ng dating LVN premiere actress na pumanaw noong March 15, 2025, sa edad na 94.
Read: Former LVN star Delia Razon passes away at 94
Sa kanyang Instagram, ipinaalam ni Carla na back to work na siya ngayong araw.
Kalakip nito ang larawan kung saan makikitang suot ni Carla ang kuwintas na may pendant na naglalaman daw ng green bones ng kanyang lola.
Sabi niya sa maiksing caption: "Back to work! Forever with Mamang now. These are her green bones. [heart emoji]"
View this post on Instagram
CARLA ABELLANA'S TRIBUTE
Noong March 17, nagbahagi si Carla sa kanyang Instagram ng mga larawan ni Delia, na tinatawag din nilang "Mamang," noong kabataan nito.
Si Delia ay itinuturing na isa sa top actresses ng LVN Pictures noong ‘50s.
Paglalarawan ni Carla sa kanyang lola sa caption: "The strongest, bravest, fiercest and most beautiful [dove emoji]"
Kasama sa pictures na ibinahagi ni Carla ay ang sulat niya sa kanyang lola noong bata pa ang Kapuso actress.
Tungkol ito sa pambatang Bibliya.
Ang pinagsulatan ni Carla ay stationery letter ni Delia, kung saan nakasulat ang totoong pangalan ng yumaong aktres — Lucy May Grytz Reyes.
Read: Carla Abellana pays tribute to late grandmother Delia Razon
Ang pinakahuling cremated remains na nakitaan ng green bones ay ang mga labi ng ama ni Angel Locsin na si Angel Colmenares.
Read: Green bones found in cremated remains of Angel Locsin's father
