Pumanaw na ang dating premiere actress ng LVN Pictures na si Delia Razon kahapon, Sabado, March 15, 2025.
Siya ay 94.
Ang malungkot na balita sa pagkamatay ng beteranang aktres ay kinumpirma mismo ng kanyang apo na si Carla Abellana nang mag-post ito sa kanyang Instagram ngayong Linggo, March 16.
Read: Carla Abellana inspired by grandma Delia Razon to do sexy scenes in her latest movie
Tanging art card lamang ang ipinost ni Carla na nakalagay ang litrato at tunay na pangalan ng kanyang lola na si Lucy May G. Reyes.
Maging ang petsa at kapanganakan at kamatayan nito ay makikita rin dito.
Walang caption na inilagay si Carla.
Hindi rin niya isinapubliko kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Delia.

WHO IS DELIA RAZON?
Si Delia Razon o Lucy May Reyes sa totoong buhay ay itinuturing na isa sa top actresses ng LVN Pictures noong ‘50s nang mag-debut siya sa pelikulang Krus na Bituin.
Mas lalo pa siyang naging tanyag sa showbiz industry nang ipareha siya sa ilang sikat na leading men, kabilang na rito sina Rogelio de la Rosa, Manuel Conde, Nestor de Villa, Carlos Salazar, Armando Goyena, at Jaime de la Rosa.
Ilan sa mga pelikulang ginanapan at pinagbidahan ni Delia ay ang Gitano (1949), Mutya ng Pasig (1950), Rodrigo de Villa at Digmaan ng Damdamin (1952), Senorito (1953), Dambanang Putik (1954), Lapu-Lapu (1955), at Luksang Tagumpay (1956).

Bukod sa pelikula, bumida at napasama rin sa ilang teleserye si Delia gaya ng Agila (1987), Bigong Sibol, at Bayang Impasibol (2001).
Kasama rin si Delia sa Kapamilya series na Tayong Dalawa (2009), kunsaan dito ay bumida sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jake Cuenca.
Kasal si Delia sa businessman na si Aurelio Reyes.
Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng tatlong supling: sina
DELIA RAZON IS PROUD OF granddaughter CARLA ABELLANA
Sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Delia noong September 2013, sinabi nito na proud na proud siya sa tagumpay ng kanyang apo na si Carla Abellana sa showbiz.
Aniya noon, "People really greet me a lot and I feel flattered, but I’m so happy for her. She deserves it.
"She was a good child while she was growing up, alam mo naman ako, mahigpit ako. She’s a good child."
Pambibida pa ni Delia sa kanyang apo, "She studied well, she graduated [Summa] Cum Laude."
Si Carla ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa De La Salle University.
Ayon pa kay Delia tungkol sa kanyang apo, hindi raw niya inasahan na magsu-showbiz ito.
“I never realized she would enter the movies.
"Somebody just said, ‘O, yung apo mo [nasa showbiz na].’
"I said, ‘Who?’ ‘Carla!’ [I answered] ‘What?’
“I was surprised, but she’s doing well.
"She’s a very good child, she’s a very good apo... no complaints.
"I’m happy for her."
Ikinuwento rin ni Delia ang “sikreto” na ipinamahagi niya kay Carla para maging isang magaling na aktres.
“I told her only one thing, secret… ‘Use your eyes.’ Iba ang feelings, iba ang eyes.”
Bilang isang batikan sa showbiz, hindi ba siya natatakot para sa apo sa magulong mundo ng showbiz?
“No. She’s smart, she’s a smart girl. She knows what she’s getting into and she’s a good person.
“All I know is... [I will] pray for her."
Additional report by Ava May Robles of PEP.ph
