Very proud ang maraming Pinoy sa tagumpay ng P-Pop group na BINI sa kanilang unang performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.
Sila ang kauna-unahang Pinoy act na nag-perform sa Coachella.
Ang BINI ay binubuo ng walong miyembro—Aiah, Colet, Maloi, Jhoanna, Stacey, Gwen, Sheena, at Mikha.
Nag-perform sila sa stage ng Mojave Tent noong Biyernes, April 10, 2026 (Saturday, April 11, Philippine time).
Umabot sa 45 minutes ang performance ng BINI sa Coachella.
Magtatanghal muli ang BINI sa parehong venue sa April 17.

Ang Coachella ay taunang music festival na idinaraos sa Empire Polo Club sa Indio, California, at itinuturing na isa sa pinakamalaking music festivals sa mundo.
Read: BINI makes history at Coachella 2026
CHARIZ SOLOMON, NETIZENS APPLAUD BINI AT COACHELLA
Sa kanyang Thread account kahapon, April 12, 2026, naghayag ng kanyang paghanga ang Kapuso TV host-comedienne si Chariz Solomon sa BINI.
Ayon kay Chariz, hindi siya maituturing na big fan ng BINI pero malaki raw ang pagpapahalaga niya sa "HARDWORK at COURAGE."
Ito aniya ang puhunan ng girl group sa kanilang tagumpay na nararanasan ngayon.
Malaki raw ang isinakripisyo ng BINI upang makilala ang mga Pinoy sa world stage.
Buong post ni Chariz: "Hindi ako magiging ipokrita, hindi man ako male-label na big fan ng BINI, pero big fan ako ng HARDWORK at COURAGE.
"Hindi natin nakikita ang sacrifices ng BINI, ang mga kailangan nila isantabi para irepresent tayo at ang mga sarili nila- sa biggest stage man o hindi, they represented well.
"We have to be happy and proud, kasi sila ang naghirap, tayo ang nakilala.
"Thank you BINI. We are proud!!"

Komento ng isang netizen, deserve ng BINI ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon dahil nagsumikap sila mula noong walang-wala sila hanggang sa sila ay makilala.
"We really need to give them the credit they deserve. BINI built themselves from the ground up. Walang backer, walang instant fame.
"Just hard work, patience, and a dream they refused to let go of. And more than the talent, that is what I admire most about them.
"Their story is not a celebrity story. It is a normal person’s story. People who dreamed like us and actually made it."

Ayon sa isa pa: "Preach. Their humble beginnings and their journey to one of the biggest stages in the world is no small feat."

Pagsang-ayon ng isang netizen kay Chariz: "Well said mami cha, im not a fan, actually A'TIN ako, pero super proud ako sa BINI kasi nagawa nila irepresent ang bansa ntn international, kaya sana maging proud nlng din sana lahat ng filipino, fan ka man or hindi! Hnd na dpt para mag away-away at ibabash pa ang girls. Respeto nlng and be proud! Ty"

Sabi naman ng isang nakanood ng docu-series ng BINI, grabe ang sakripisyong ibinuhos ng mga miyembro nito para sila ay magtagumpay.
Sagot dito ni Chariz: "Kahit di ko pa napapanuod, based on personal experience, hindi man ako sing laki nila, sa 21 yrs ko sa showbiz yung hirap wala talagang kapantay. Paano pa kaya sila. So really, wala pa man akong masyadong alam sa BINi, sobrang naaappreciate ko sila."

Read: HOW MUCH? Coachella experience for Filipinos
