PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chariz Solomon opens up about childhood sexual, physical abuse

Chariz Solomon: "There is no light if there's no darkness."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 16, 2026
Chariz Solomon opens up about childhood sexual, physical abuse
Chariz Solomon bravely opens up about her traumatic childhood, including physical, verbal, and sexual abuse, self-harm, and past struggles with anger, sharing how she overcame it and found strength.
PHOTO/S: Screengrab GMA Public Affairs on YouTube

Trigger Warning: Mentions of physical, verbal, and sexual abuse; bullying and self-harm

Hindi napigilang maging emosyunal ng Kapuso comedienne-TV host na si Chariz Solomon nang ibahagi nito sa publiko ang kanyang trauma nang maging biktima siya ng physical, verbal, at sexual abuse sa murang edad.

Sa panayam ni Chariz sa I-listen With Kara David noong January 14, 2026, binalikan niya ang mga masalimuot na bahagi ng kanyang buhay noon bata pa siya.

Ayon kay Chariz, anim na taon gulang lamang siya nang magpaalam ang kanyang ina na pupunta sa Japan para magtrabaho, makaraan nitong makipaghiwalay sa ama ng aktres.

Inihabilin daw silang apat na magkakapatid sa kanilang kasambahay na kalauna'y umalis din, kung kaya't napunta sila sa poder ng kanilang mga kamag-anak.

Read: Chariz Solomon, nag-react sa cosmetic enhancements ni Fifth

Tanong sa kanya ni Kara David: "Gaano kahirap na lumaki na, technically, wala sa tabi mo yung nanay at tatay mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Chariz: "Natatandaan ko lang is malungkot ako. Tapos sa school, lagi kong sine-share na wala akong parents.

"Tapos, parang napatawag pa yung guardians ko kasi bakit daw ganoon yung sinasabi ko.

"Alam kong malungkot lang ako. Tapos, sa bahay, alam kong hindi ako masaya."

Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue

Sa puntong ito ay matapang nang ibinahagi ni Chariz ang mga pang-aabuso na naranasan niya sa kamay ng mga pinagkakatiwalaang kamag-anak.

Chariz Solomon opens up about childhood sexual, physical abuse
Photo/s: Screengrab GMA Public Affairs on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagkakaalala raw ni Chariz, Grade III siya nang mangyari ang lahat ng ito.

Pagbabalik-tanaw niya: "Hindi ako lumaki sa masayang environment.

"Meron kasing verbal abuse, merong physical abuse.

"Tapos, hindi nila alam na naiintindihan ko yung ginagawa nila sa akin.

"Mayroon ding time na naranasan ko rin yung sexual abuse.

"Hindi ko alam kung alam ng iba kong relatives."

Read: Chariz recounts being once accused of sexual harassment

Hindi pinangalanan ni Chariz kung sinong kamag-anak ang tinutukoy niyang nang-abuso sa kanya dahil kalauna'y humingi rin naman daw ito ng tawad sa kanya.

Saad niya: "Alam mo yung [feeling na mapapatanong ka ng], ‘Totoo bang nangyari ito?’

"May ganoong coping mechanism. Hindi mo alam kung talagang nangyari yon.

"Grade III ako noon. Tapos nag-sorry sa akin, thirteen na yata ako.

"Doon ko na-realize, ‘Ay, totoo siyang nangyari.'"

Read: Jake Zyrus's story about alleged sexual abuse resurfaces

Chariz shares dark moment when she tried to harm herself

Aminado si Chariz na ang mga masamang karanasan niya ay naging malaking epekto sa kanyang emotional at mental health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pagkakataon daw kasing sinasaktan niya ang sarili upang pansamantalang mamanhid sa lahat ng sakit at pasakit na kanyang nararamdaman noon.

"Hindi talaga ako proud dito, pero nag-self-harm ako noong bata ako.

"Parang eleven ako noon nang nag-self harm ako.

"Hindi ko naman gustong mamatay. Yung feeling na, 'Hindi puwedeng may masamang mangyari sa akin kasi kailangan ako ng mga mahal ko, hindi muna.' Yung ganun.

"Paglaki ko, inisip ko kung bakit ko yon ginawa. Tapos naisip ko, 'Ah, gusto kong lumabas siya as physical pain.

"Yung nararamdaman ko inside na hindi ko malabas, masigaw;" lahad ng Bubble Gang star.

Read: Experts to Filipinos: Prioritize mental health, fight stigma

Chariz SAYS her trauma led her to become a bully at one point

Bukod sa pagse-self-harm, naranasan din daw noon ni Chariz na manakit ng kapwa para mailabas ang kinikimkim na galit.

"Naging violent ako, may phase akong ganun. Naging angry ako, naging bully ako, at hindi ako proud dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung parang naging defensive ka, konting ano lang sa yo nung classmate mo, e, galit ka na agad, gulpihan na agad, yung ganun.

"Hindi ako proud dun. Pero noong ina-access ko na yung sarili ko, parang nagkaroon din ako ng time na isiping baka kasalanan ko.

"Tapos may time na [parang napapatanong ako], 'Bakit mo ginawa yon, e, alam mo namang masama yon?'

"Noong nagkaroon ako ng forgiveness sa sarili ko, sabi ko, ‘Kasi siguro bata pa ako noon. Siguro kasi hindi ako nagkaroon ng maayos na environment sa bahay," emosyonal na saad ni Chariz.

Sa huli, sinabi ni Chariz na malaking dagok at bangungot man ang mga napagdaanan niya noon, nagsilbi naman daw niyang lakas ang mga ito ngayon para magpatuloy.

Sabi niya: "Ang natutunan ko, marami talagang bagay na hindi natin makokontrol. But you can work your way around it.

"Totoo yung [kasabihan na], 'When life gives you lemons, you make it sweet.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mayroon kang power. I have the power to change my life, my future, my present.

"Don't let it, like, have control over your life the bad things. Because bad things will happen. There is no light if there's no darkness.

"Doon pumapasok si Lord. Trust your God."

Dagdag pa ni Chariz: "Bad things will happen, it will.

"Pero you have to be strong and know and acknowledge your strengths, and you choose happiness as much as possible."

Narito ang hotline numbers para sa mga sumusunod na ahensya na maaaring makapagbigay ng police at legal assistance:

POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE

National Emergency Hotline: 911
Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377
PNP Women and Children Protection Center
24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690
Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

LEGAL ASSISTANCE

Public Attorney’s Office (PAO)
Hotline: (02) 8929-9436 local 106, 107, or 159 (local “0” for operator)
Email address: pao_executive@yahoo.com

REFERRAL SERVICES

Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children (IACVAWC)Website: www.iacvawc.gov.phEmail: iacvawc@pcw.gov.phContact numbers: (02) 8735-1654 local 124, 09178671907, 09454558121

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chariz Solomon bravely opens up about her traumatic childhood, including physical, verbal, and sexual abuse, self-harm, and past struggles with anger, sharing how she overcame it and found strength.
PHOTO/S: Screengrab GMA Public Affairs on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results