Congressman Charlie Cojuangco, China Jocson hold betrothal ceremony in Tarlac 

by Rachelle Siazon Details: Rommel Gonzales
Jan 4, 2021
Tarlac First District Representative Charlie Cojuangco and China Jocson get engaged by following the traditional Catholic betrothal ceremony.
PHOTO/S: Tarlac Press Corps

Nagkaroon ng formal engagement sa pagitan nina Tarlac First District Representative Carlos "Charlie" Cojuangco at kanyang kasintahang si China Jocson.

Si Charlie ay bunsong anak ng yumaong negosyanteng si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr.

Si China ay isang crisis management strategist na dating assistant to the presidential spokesperson.

Ginanap ang kanilang betrothal ceremony sa Josemaria Escriva Shrine sa Gerona, Tarlac noong December 29, 2020.

Ang betrothal ceremony ay isang optional traditional rite sa Simbahang Katoliko, kunsaan may basbas ng pari ang pangako ng isang couple na nais nilang magpakasal at magsama habambuhay.

Bahagi ng ceremony ang pagbabasbas sa dalang matching rings nina Charlie at China.

Continue reading below ↓

CHARLIE COJUANGCO'S IN-LAWS

Si Charlie ay matagal nang nabalo mula nang pumanaw ang asawa nitong aktres na si Rio Diaz noong 2004.

Ngayon lang daw naramdaman muli ng kongresista ang pagnanais na maikasal muli.

Sinasabing may basbas ng in-laws ni Charlie ang engagement nito kay China.

Sa katunayan, dumalo sa okasyon si Miss Universe 1969 Gloria Diaz, ang nakatatandang kapatid ng yumaong si Rio.

Continue reading below ↓

intimate betrothal party

Pagkatapos ng simpleng betrothal ceremony ay nagkaroon din ng munting salu-salo kasama ang ilang mga kapamilya at kaibigan ng couple.

Kabilang ang aktres na si Ana Roces (first row, pangalawa sa kaliwa) sa mga namataang guests sa intimate betrothal nina Charlie at China.

Continue reading below ↓

Malapit na kaibigan ni China si Ana.

Dumalo rin sa party si Gloria.

Continue reading below ↓

SHOWBIZ HISTORY TRIVIA

Tila nakarelasyon noon ni Charlie Cojuangco si Megastar Sharon Cuneta.

Noong February 2018, naikuwento ni Sharon na muntik na siyang ma-engage sa isang "Cojuangco" bago niya naging karelasyon at napangasawa si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Ang isa pang clue na binanggit ni Sharon ay may initial na "C" ang tinutukoy niyang personalidad kaya hinihinalang si Charlie Cojuangco ang kanyang pinatutungkulan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tarlac First District Representative Charlie Cojuangco and China Jocson get engaged by following the traditional Catholic betrothal ceremony.
PHOTO/S: Tarlac Press Corps
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results