Lumitaw ulit ang defunct girl group na GirlTrends sa mga social-media feeds dahil nag-resurface ang video nilang nag-viral noong 2019.
Dito'y mapapanood na hindi sila sabay-sabay during their dance number sa It's Showtime.
At tuwing sumasapit ang taunang Coachella Festival sa Indio, California, USA, ginagawang memes ng netizens ang video.
Mas lalo pang naging relevant ang iconic music event sa mga Pinoy dahil dalawa sa performers this 2026 sa Empire Polo Club ay ang Bini at si Sophia Laforteza, na bahagi ng KATSEYE.
Read: KC Concepcion opens up about realities of blended family life
CHIE FILOMENO REACTS TO MEME
Sa Instagram ngayong araw, April 14, 2026, muling narinig ang awitin ni Sam Smith na “How Do You Sleep,” at muling napanood ang sumasayaw na GirlTrends members.
Sa mga hindi nakakaalam, may dalawampu't dalawang miyembro ang grupo noong inilunsad ito sa Kapamilya noontime show taong 2016.
Karamihan sa kanila ay aktibo pa sa kanya-kanyang karera ngayon. Sila ay sina Chie Filomeno, Dawn Chang, Maris Racal, Jane de Leon, Barbie Imperial, at Loisa Andalio.
Back to the Instagram post, nakasulat dito ang text na: "humanda kayo next year, coachella."
Nakasaad naman sa caption, "the group we keep failing to send [face with holding back tears emoji]"
View this post on Instagram
Unang nagkomento dito si Chie.
Aniya, "Teeeeh, nabunot nanaman kami!! HAAHHAHAHAHAH"

Natawa naman ang fashion designer na si Mark Bumgarner.
"Hahahahaha!!!"
Sabi ni Chie, "@mb_markbumgarner akala ko birthday mo? Parang kami na ata muna HAHAHHAHAHA"

Ibinahagi din ito ni Chie sa kanyang Instagram Story.

Komento niya: "bunot every coachella HAHAHAHHAHA"

Iba pang kahalintulad na post ang kumalat sa Instagram at Facebook.
View this post on Instagram
Samantala, ang slant naman ng Love radio Manila sa ginawa nitong meme (published as is): "Sorry, kaka-online lang. Sila ba 'yung nag-perform sa Coachella?"
Read: Franki Russell, itinangging third party sa Alexa-Sandro breakup
DAWN CHANG ON GIRLTRENDS
Sa exclusive Real Talk ni Dawn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas sa YouTube noong February 27, 2026, sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kanilang grupo.
Aniya: "Marami. Number one, mga may sari-sarili na kasi kaming ginagawa before mabuo yung group.
"So, like me, I was doing Umagang Kay Ganda. I was doing soaps. Yung iba, ganun din. May mga soap, may mga shows. So ang hirap naming buuin sa rehearsals."
Aminado rin si Dawn sa kaya at hindi kayang gawin ng kanilang grupo.
"...hindi kasi kami lahat mananayaw. Hindi lahat performer. Iba kasi ang performing on stage, iba yung performance on camera, like acting, iba yun.
"So, hindi lahat kasi performers, performers on stage. Kaya, I guess, hindi kami nag-align."
Binalikan din niya ang viral dance nila noong 2019.
Paliwanag ni Dawn sa pagsasayaw nilang hindi sabay-sabay: "Of course, paano, paano kami magsasabay-sabay, e, ang hirap namin buuin sa rehearsals, di ba? Tapos, hindi lahat mananayaw. So, mahirap. Mahirap, mahirap siya.
"Oo, may T-TH-S. Ako nga, ako mismo, I miss rehearsals.
"We were briefed before na walang leader. Pero I guess because I am the most experienced, parang ganun yung lumalabas.
"And I tried to help them naman as much as I could. I was offering free classes before because I used to be a dance teacher.
"So, ballet teacher and jazz teacher ako before."
Read: Kyline Alcantara gives free fuel to drivers amid rising oil prices
