Four respondents in Christine Dacera case face the media; deny rape allegation

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2021
Christine Dacera death repondents
Four more respondents, namely (left to right) Valentine Rosales, John Pascual dela Serna III, Clark Jezreel Rapinan, and Rommel Galido, strongly refute allegations in relation to the death of their friend Christine Dacera (center).
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / @xtinedacera on Instagram

Humarap sa media ngayong Huwebes ng gabi, January 7, ang apat pang respondents na idinadawit sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Sila ay sina Clark Jezreel Rapinan, John Pascual dela Serna III, Rommel Galido, at Valentine Rosales.

Kabilang sila sa labing-isang kalalakihang nakasama ni Dacera sa New Year's Eve party na ginanap sa City Garden Hotel, Makati City, mula gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Tanghali ng January 1, natagpuang wala nang buhay ang 23-year-old flight attendant sa bathtub ng kuwarto nito sa hotel.

Bunsod ng insidente, iniugnay ng Makati Police ang 11 kalalakihan sa provisional rape with homicide complaint na isinampa sa Makati City Prosecutor’s Office.

Sa pagharap sa media nina Rapinan, Dela Serna, Galido, at Rosales, mariin nilang itinangging may krimeng naganap.

Itinuturing din ng apat na matalik na kabigan si Dacera.

VALENTINE ROSALES

Ayon kay Rosales, napansin niya noong bandang alas-sais ng umaga ng January 1 ang pagsusuka ni Dacera.

Continue reading below ↓

Valentine Rosales interview in christine dacera rape allegations

Lahad niya, “Suka po siya nang suka. Two hours before ako matulog, kasi natulog ako mga 9 na, so that was 6 or 7, suka na siya nang suka.

“And I read... since this is happening, I read in some articles kasi, nakikita ko sa kanya na suka na siya nang suka.

Continue reading below ↓

“I even gave her mga Pocari Sweat, big bottle, malalaking tubig para at least ma-replenish ang nawalang liquid sa katawan niya.

“Kami ni Clark, trinay namin yung best na maalagaan namin yung friend namin.

“Parang ang nangyari sa party na yun, parang hindi ako nag-inom, parang nag-alaga na lang po ako ng lasing, e.”

Nauna nang nilinaw ni Rosales ang tungkol sa kissing video nila ni Christine na nakunan ng CCTV ng hotel.

Valentine Rosales kissing Christine Dacera CCTV

Continue reading below ↓

Pahayag ni Rosales sa panayam ng News Night ng CNN Philippines, “First of all, that’s really unfair, kasi ang nilabas nila na clips and video is putol, hindi ipinakita ang buong kiss.

“Ang nangyari kasi diyan, ang ginawa nila, parang to alter para may something na may nangyari.

"Pero in my Facebook account—Valentine Rosales, two-point-something-million views na siya ngayonI posted a whole video."

Diin niya, "Fiirst, she is the one, siya yung nag-initiate ng kiss sa akin.

“I was trying to open the door, nagdu-doorbell ako, pero siya yung sumunggab sa akin.

"And ako, unting galaw ko lang na ganun, baka humampas siya sa pintuan lalo pang magkaroon ng ano.

“So ako, pinindot ko yung doorknob pero umiilag po ako, iginilid ko po siya.”

Himutok pa ni Rosales “Puro kasi tsismis 'yang ganyan, e. Ang dami kasing feeling Detective Conan sa Facebook without seeing the full video or the full evidence that's why I posted it on my Facebook.”

Continue reading below ↓

Ang Detective Conan ay isang Japanese detective manga series.

Ipinagkibit-balikat naman ni Rosales ang pahayag ng pulis na ang bakla kapag nakainom ay nag-iiba ang pag-iisip.

At dahil daw sa insidenteng ito ay napilitan siyang amining gay siya.

Saad niya, “It’s absurd, kasi first of all, I know my family and relatives already have an idea na I’m a soft person.

"Pero due to this incident, sobrang napilitan ako ilabas ko na. I-come out ko na sarili ko na bakla na talaga ako sa buong family ko.

"Kasi yun naman ang totoo, e. Wala na ako magagawa kasi finorce nila.”

Mariin ding pinabulaanan ni Rosales ang alegasyong rape.

“Imposibleng may rape, kasi unang-una sa lahat, gay po kami.

“Then, wala po talagang straight na lalaki sa party na 'yon.

“And sabi, pag bakla naimpluwensiyahan ng alcohol, nagiging ano, lalaki?

“Ako po, yung una, lalaki po ako, yun nga po, paminta-paminta.

Continue reading below ↓

"Pag nalasing na po ako, nagiging pa-sweet na, nagiging Kim Chiu, nagiging ganyan na yung mga ano ko.”

Hamon pa niya sa mga nagsasabi nito: "Ikaw lalaki ka, kuya. Lalasingin kita, 'tapos aakitin kita, rereypin mo ba ako?

"Di ba, that's absurd, e, common logic lang po."

CLARK RAPINAN

Mariin ding itinanggi ni Rapinan na ginawan nila ng kahalayan si Dacera.

Clark Rapinan Christine Dacera case

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Yun lang din, na walang kayang gumawa ng pambababoy kay Tin.

“Wala sa aming magkakaibigan, kasi kami, talagang mahal na mahal namin siya.

“Yung party na yun, dun na lang kami naging masaya, nag-enjoy, and yun nga inaalagaan na lang namin siya.

“Nung nandun ako, dumating ako dun ng 1 A.M.

“Yun na lang ang nangyayari, lahat lasing na, natutulog.

“'Tapos siya lang yung suka nang suka kaya talaga inalagaan namin siya.

“Yun nga, pinapainom namin siya ng tubig. Binibigyan namin siya ng privacy.

“Sinasabihan namin siya na tulungan niya yung sarili niya, ‘Tin, tulungan mo yung sarili mo.’

“Pinababalik namin siya sa bed. Yun na lang ginawa ko talaga, tinulungan ko siya.”

Sa puntong ito ay naging emosyunal si Rapinan.

Aniya, “Kaya yung pinaparatang sa amin, pinalaki kami ng mga magulang namin.

“Kaya iyong pinaparatang sa amin na binaboy namin siya, ni-rape, walang ganun.

“Hindi namin kayang gawin sa kanya yun, mahal na mahal namin siya. Yun lang po.”

Continue reading below ↓

ROMMEL GALIDO

Halos ganito rin ang sinabi ni Galido. Hindi raw niya akalaing hahantong sa ganito ang masayang party na idinaos nila.

Rommel Galido Christine Dacera case

Aniya, “Ang masasabi ko talaga, walang rape at wala pong pagpatay na nangyari

"Kasi, ayon din po sa resulta ng autopsiya, aneurysm po ang ikinamatay ni Christine, which is a natural death.

Continue reading below ↓

“At yung rape po na sinasabi nila, hinding-hindi po namin magagawa yun sa best friend namin dahil una, una sa lahat, meron kaming nanay, kapatid na babae po, which is mahal na mahal namin at nirerespeto namin.

“Ganyan din po ang nararamdaman namin kay Tin.

“Nirerespeto namin si Tin at hindi namin kayang galawin o kahit anuman, kasi isa sa amin tanungin mo, hindi kami nalilibugan sa kanya.”

JOHN PAUL DELA SERNA

Si Dela Serna ang lalaking may buhat-buhat kay Christine na nakunan sa CCTV ng hotel bandang 4 A.M. ng January 1.

John Paul Dela Cerna Christine Dacera

Continue reading below ↓

Lahad niya, “At around 6 A.M. po na binuhat ko si Tin.

“Ang nangyari po dun, nawala po siya sa paningin ko.

“From room 2207, tinanong ko, ‘Where’s Tin?’

“Hindi nagsasalita yung kabilang room kasi baka malaman ko kung nasaan si Tin,.

"Pero nakita ko na gumalaw yung curtain, nandun sa likod ng curtain si Tin, tinataguan niya ako.

“Bigla siyang humiga, ang nangyari po dun nung bigla siyang humiga, sinalo ko po siya para ma-sure na hindi siya mapaano. Kasi kung hindi ko siya nasalo dun, mababagok po siya.

“From there, binuhat ko siya hanggang sa labas ng kuwarto namin.

"And kung makikita niyo yung video, original clip, without cut, si Tin pa po yung pumindot ng doorbell at tumayo pa siya in front of the door.

“Meaning, nasa tamang huwisyo pa nun si Tin. Nasa 4 A.M. po yung pangyayari na yun.”

John Paul Dela Cerna CCTV footage

Continue reading below ↓

Sa ngayon, inatasan na ng Makati City Prosecutor’s Office ang Makati Police na magsagawa ng malawakang imbestigasyon dahil hindi pa raw sapat ang mga ebidensiyang isinumite nila.

Sa January 13 idadaos ang preliminary investigation ukol sa kaso.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four more respondents, namely (left to right) Valentine Rosales, John Pascual dela Serna III, Clark Jezreel Rapinan, and Rommel Galido, strongly refute allegations in relation to the death of their friend Christine Dacera (center).
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results