Makati Police Chief, kinontra ang sinabi ni Gigo de Guzman na bakla siya kaya hindi niya magagawang manghalay ng babae

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2021
"Lahat po sila puro mga lalake at para pong bakla, kagaya namin po lahat,” pahayag ni Gigo de Guzman tungkol sa mga kasama niya sa New Year's Eve party kung saan huling nakitang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera. Sagot naman ni Makati Police Chief PCol. Harold Depositar, “Lalake pa din sila. May instinct ‘yan, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol tapos kung may presence of drugs ‘yan, di lalo na!"
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol

Bumubuhos ang suporta at pagtatanggol kay Gregorio Angelo de Guzman, anak ng singer na si Claire Dela Fuente, na idinadawit sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Natagpuang wala nang buhay si Christine sa bathtub ng kuwarto niya sa City Garden Hotel, Makati City, noong January 1, 2021.

Sa labing-isang kataong pinararatangang may kinalaman sa pagkasawi ni Christine, si Gregorio o Gigo ang kauna-unahang lumantad, nagsalita, at pinabulaanan sa media na biktima ng foul play ang pumanaw na flight attendant.

Sinabi ni Gigo na bakla siya kaya imposibleng magkaroon siya ng pagnanasa sa babae.

Pero iba ang paniniwala ni Makati Police Chief PCol. Harold Depositar.

Pahayag nito sa panayam ng TV Patrol: “Lalake pa din sila. May instinct ‘yan, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol tapos kung may presence of drugs ‘yan, di lalo na!"

Dala marahil ng tensiyon, takot, at mga pagbatikos na natatanggap niya mula sa netizens, hindi sinasadyang "in-out" ni Gigo ang ibang mga kalalakihang kasama nila ni Christine sa New Year’s Eve celebration na kanilang dinaluhan.

Continue reading below ↓

"Lahat po sila puro mga lalake at para pong bakla, kagaya namin po lahat,” sabi ni Gigo, na hindi naisip na baka hindi pa "out" na gay sa pamilya ang mga tinutukoy niya.

Ang kaibigan ni Gigo na si John Evan Bermudez ang isa sa mga nagpakita ng suporta, at naniniwalang inosente sa kasalanang pilit na ibinibintang, ang kanyang kaibigan.

Mensahe ni John kay Gigo sa Instagram:

“I have known you for more than a decade and seeing this happening to you won’t make me just sit and watch like this.You are a supportive friend, an understanding brother, a loving son.

"Your kindness is an understatement. You are selfless and up until the end you were there. We believe you my friend. You are innocent.

"For those people who judged him, send him menacing words, insulted him. May this never happen to any of you. In this time where we have the access to information and the freedom of expression we chose to be ignorant, ill mannered, and fault finders. We have to stop doing this to each other.

Continue reading below ↓

"Gigo, I will say this again and again. You are innocent. The only fault that happened here was you were in the wrong place at the wrong time. You have won a lot of battles.

"In the end, your good heart will save you from this trouble. We will be here for you."

Binigyan ng permiso ni John ang PEP para i-publish ang mensahe ng suporta niya para kay Gigo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lahat po sila puro mga lalake at para pong bakla, kagaya namin po lahat,” pahayag ni Gigo de Guzman tungkol sa mga kasama niya sa New Year's Eve party kung saan huling nakitang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera. Sagot naman ni Makati Police Chief PCol. Harold Depositar, “Lalake pa din sila. May instinct ‘yan, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol tapos kung may presence of drugs ‘yan, di lalo na!"
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results