PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dave Almarinez shares details on wedding to Ara Mina

Dave Almarinez: "Siyempre may honeymoon pa din kahit few days lang."
by Arniel C. Serato
Published Mar 18, 2021
Dave Almarinez Ara Mina upcoming wedding
Dave Almarinez on upcoming wedding to actress-entrepreneur Ara Mina: “Indescribable ang excitement ko. Every day, I pray na dumating na ang moment na yun.”
PHOTO/S: Courtesy: @davealamarinez / @therealaramina / @niceprintphoto on Instagram

Sa pambihirang pagkakataon, nagpaunlak ng kanyang unang showbiz interview si Philippine International Trading Corporation (PITC) Chief Executive Officer (CEO) at Undersecretary Dave Almarinez, 46.

Ilang linggo nang sinusuyo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dave upang kapanayamin tungkol sa nalalapit nilang kasal ng actress-entrepreneur na si Ara Mina, 41.

Kagabi, March 17, muling sinubukan ng PEP.ph na ma-interview si Dave, at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakatanggi sa aming pakiusap na magbigay ng kahit maiksing pahayag sa aming mga katanungan.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, kinumusta namin ang pinaplano nilang kasal ni Ara.

Pero iwas pa rin ang government official na pag-usapan ang buong detalye ng nalalapit nilang pagpapakasal.

“We are halfway there na,” maiksing tugon ni Dave.

Usisa pa namin, may numero na ba sila kung ilan ang mga ninong at ninang nila?

Sagot ni Dave, “About eight ninongs and eight ninangs.

"Pero we are both okay if umabot kami ng ten of each din, kasi iniisip namin yung mga taong very special sa buhay namin ay makasama namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakalipas na linggo ay naging usap-usapan na magiging engrande diumano ang kasal na inihahanda ni Dave para sa fiancée.

Ngunit ayon kay Dave, wala itong katotohanan.

Simpleng pag-iisang dibdib lamang daw ito na nararapat sa kanyang minamahal.

Sabi niya, “All weddings are special. For Ara, I would like to give her what she really deserves.”

"INDESCRIBABLE"

Na-engage sina Dave at Ara noong January 12, 2021 sa San Pedro, Laguna—ang bayan kung saan isinilang ang dating public servant.

Nanungkulan noon si Dave bilang board member ng lalawigan ng Laguna.

Ano ang nararamdaman niya ngayong nalalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib?

Medyo may kilig na sabi ni Dave: “Indescribable ang excitement ko. Every day, I pray na dumating na ang moment na yun.”

Iwas pa rin si Dave na mabanggit ang petsa ng pag-iisang dibdib nila ni Ara, pero sinabi niyang kahit may pandemic ay maglalaan sila ng ilang araw na honeymoon pagkatapos nilang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Siyempre may honeymoon pa din kahit few days lang, dahil once lang naman mangyayari sa buhay ko ito.

“Sa totoo lang naman ako. Sa work naman, non-stop ako, seven days a week, kaya siguro naman kahit ilang araw lang ay ako'y mapagbibigyan.”

Hindi pa rin nagbibigay si Ara ng detalye ukol sa nalalapit niyang kasal. Pero nangako naman ang aktres na isa ang PEP.ph sa makakaalam ng mga detalye nito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dave Almarinez on upcoming wedding to actress-entrepreneur Ara Mina: “Indescribable ang excitement ko. Every day, I pray na dumating na ang moment na yun.”
PHOTO/S: Courtesy: @davealamarinez / @therealaramina / @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results