PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis reacts to inappropriate comments about Jennylyn's son

Dennis Trillo: "May problema po ba kayo sa may autism?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 23, 2025
Dennis Trillo defends Jennylyn Mercado's son from bashers
Kapuso award-winning actor Dennis Trillo (right) slams bashers of stepson Jazz (not in the photo), the son of the actor's wife Jennylyn Mercado (left).
PHOTO/S: Jennylyn Mercado on Instagram

Pinalagan ng award-winning Kapuso actor na si Dennis Trillo ang ilang netizens dahil sa mga insensitibo nitong komento tungkol sa panganay na anak ng misis niyang si Jennylyn Mercado.

Nitong Linggo, June 22, 2025, nag-upload si Jennylyn sa social media ng video ng naging bonding nila ng mga anak nila ni Dennis na sina Alex Jazz at Calix sa isang mall.

Si Jazz, 16, ay anak ni Jennylyn sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Read: Patrick Garcia reveals visitation agreement with Jennylyn Mercado

Si Calix, 17, ay anak naman ni Dennis sa dati nitong karelasyong si Carlene Aguilar.

Read: Dennis Trillo, maayos ang co-parenting kay Carlene Aguilar

Mababasa sa caption ng post ni Jennylyn: "Spending the day with my boys, discovering wonders and picking up some cool stuff at the National Geographic store."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Jennylyn ay may ilang netizens na pumansin sa napanood nilang video, partikular na tungkol kay Jazz.

Komento ng isang netizen, "Parang may autism anak ni Jen."

Nagkomento rito si Dennis.

Patanong na sagot ng Kapuso actor, "May problema po ba kayo sa may autism?"

Isa pang netizen ang nagkomento tungkol sa kilos ni Jazz.

Sabi nito, "Parang malamya."

Hindi nakapagtimpi rito si Dennis at sinagot ang netizen.

Buwelta niya, "Wow hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo."

Read: Dennis Trillo swells with pride over his blended family

Jennylyn's son diagnosed with autism spectrum disorder

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na na-diagnose na may Autism Spectrum Disorder ang anak ni Jennylyn na si Jazz.

Ayon sa Mayo Clinic, ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang neurodevelopmental condition na karaniwang lumilitaw sa maagang bahagi ng pagkabata.

Ang mga batang may ASD ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa komunikasyon, pakikipag-ugnayan sa ibang tao, at pag-uugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Spectrum" ang tawag dahil iba-iba ang anyo, antas, at epekto ng sintomas sa bawat indibidwal — maaaring banayad lang sa ilan, habang mas malala naman sa iba.

Walang lunas ang autism, pero may mga therapy at suporta na makatutulong para ma-develop ang skills ng bata at mapadali ang kanilang pakikisalamuha sa mundo, gaya ng speech therapy, occupational therapy, at behavioral interventions.

Importante ring may sapat na kaalaman ang publiko upang malaman nila kung paano itrato nang may respeto ang may ganitong kundisyon.

Other netizens show support for Dennis

Samantala, kung bibisitahin ngayon ang Facebook post ni Jennylyn ay hindi na makikita ang komento ng dalawang bashers na sinagot ni Dennis.

Ngunit may ilang tagahanga ang Kapuso actor na nakapag-screenshot nito.

Bagamat may ilang hindi lubos maintindihan ang kalagayan ni Jazz, maraming netizens ang nagpakita ng suporta sa maayos na pagpapalaki at pagmamahal nina Dennis at Jennylyn kay Jazz.

Mula nang magsama sina Dennis at Jennylyn ay itinuring nang sariling anak ni Dennis si Jazz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Komento ng isang netizen, published as is: "Sa panahon ngayon bakit tinitignan na ng tao kung may diperensya o wala ang isang tao. Hindi ba pwedeng pantay at normal na lang natin tignan, hindi naman siguro kawalan sa inyo na maging mabuting tao. Kung walang magandang sasabihin, sarilinin niyo nalang."

Sabi naman ng isa, "Ang ganda ng bonding nila kahit step mom at step dad. Para din silang pamilya at anak talaga ang turing nila."

Saad pa ng isa, "Halatang magkapatid talaga ang turingan nila Jazz at Calix. Galing ng pagpapalaki. God bless Jen and Dennis sa family niyo."

"Saludo kina Jen at Dennis, ganda ng pagpapalaki niyo sa mga anak niyo," dagdag pa ng isa.

Sina Dennis at Jennylyn ay may isa ring anak na babae, ang three-year-old na si Dylan.

Dennis Trillo with wife Jennylyn Mercado, Calix, Alex Jazz and Dylan
The happy family of Dennis Trillo (brown jacket) and Jennylyn Mercado (brown top) and their kids: Alex Jazz Mercado (standing left), Calix Andreas Ho (standing right), and baby Dylan Ho.
Photo/s: @mercadojenny Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Trillo grateful kids are hands-on with Baby Dylan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso award-winning actor Dennis Trillo (right) slams bashers of stepson Jazz (not in the photo), the son of the actor's wife Jennylyn Mercado (left).
PHOTO/S: Jennylyn Mercado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results