Frankie Pangilinan reacts to "political pawn, walang career" comments of critics

by Bernie V. Franco
Jan 8, 2021
Frankie Pangilinan versus DDS
Frankie Pangilinan takes to Twitter after numerous criticisms are thrown her way by critics, tagging her as a "political pawn," and calling her "walang career," "unsuccessful" and other personal attacks.
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram

Inalmahan ni Frankie Pangilinan, 20, ang pang-aalipusta ng mga kritiko dahil sa pagiging vocal niya sa kanyang political views.

Active si Frankie sa Twitter kung saan inihahayag niya ang kanyang saloobin sa mga isyung may kinalaman sa lipunan at pamumuna sa kasalukuyang administrasyon.

Dahil dito, prone din ang dalaga sa matinding batikos ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte o ang die-hard Duterte supporters (DDS).

Ngayong Biyernes, January 8, magkakasunod ang tweets ni Frankie tungkol sa isang Facebook post.

Lagi raw siyang itina-tag sa Facebook post na ito na naglalaman ng pang-aalipusta sa kanya.

Halatang nasaktan ang panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan sa personal na batikos sa kanya ng kanyang mga kritiko.

Matutukoy rin sa tweets ni Frankie ang reaksiyon niya sa sari-saring panlalait sa kanya, gaya ng pagsasalita tungkol sa pulitika at pagbibigay-kulay sa kanyang pananaw sa pulitika.

May hirit siyang porke’t nagsasabi siya ng kanyang mga pananaw sa pulitika ay babansagan na siyang “political pawn,” o nagpapagamit sa pamumulitika ng iba.

Continue reading below ↓

Sa isang previous IG Live noon, iginiit ni Frankie na sariling political views niya ang kanyang inilalabas.

Ito ay sa kabila na ang kanyang amang senador, na current chairman ng Liberal Party, ay kilala ring kritiko ng administrasyong Duterte.

Malumanay ang paliwanag ni Frankie sa mga taong minamaliit ang kanyang pagkatao at kakayahan.

Simula ng kanyang tweet (published as is): “i keep getting sent this one ridiculously hurtful post so lemme just say this. i’ve just turned 20.

“i’m supposed to be in school right now but that’s been put on hold due to the pandemic.

“if i don’t have a ‘career’ or i’m ‘unsuccessful’ maybe that’s because i’m not even 100% focused on work yet.”

Si Frankie ay nag-aaral sa isang university sa New York, U.S.A. pero kinailangang huminto dahil sa kasalukuyang pandemya.

Habang nakabakasyon, itinuon ni Frankie ang atensiyon sa pagsusulat at musika.

Pagpapatuloy niya: “i’ve been able to finally focus on writing and music in this weird transitional period, which is great, because that’s actually what i want to do for the rest of my life.”

Continue reading below ↓

Mensahe niya sa kanyang mga kritiko: “but if i haven’t met ur professional expectations maybe they’re just too high

“i’m not a politician and i never ever said i wanted to be one. in fact i keep reiterating the opposite every chance i get.

“and it’s ridiculous, because people should be allowed to care about and love their country without being tagged as a political pawn ????”

May pahabol din siya sa mga minamaliit ang kanyang talento.

“also before you attack my voice or my writing — have u actually heard me sing??? have u actually read my stuff??? no???? then kindly shut up before u ruin what i love most in the world ty”

Continue reading below ↓

THE SOURCE OF FRANKIE'S RECENT TWEETS

Sa pagsusuri namin sa Facebook, makikita kung ano ang pinanggalingan ng sunud-sunod na tweets ni Frankie ngayong Biyernes.

May kaugnayan ito sa Twitter post niya tungkol sa pinaslang na mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac, noong December 20, 2020.

Nakunan ng video ang pangyayari at kumalat ito sa social media.

Continue reading below ↓

Ang salarin sa kontrobersiyal na krimen na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46, ay kapitbahay ng mag-inang biktima.

Nag-viral ang malapitang pamamaril ni Nuezca sa mag-ina dahil lang naingayan ang pulis sa pagpapaputok ng boga ni Frank Anthony.

Naungkat ding may hidwaan na umano ang dalawang kampo dahil sa right of way.

Nakaagaw ng atensiyon ang isyung ito at kinondena ng karamihan ang karahasang ginawa ni Nuezca.

Marami ring mga artista ang nag-react dito kasama na si Frankie.

Tweet ni Frankie noon: “nakakalungkot, nakakagalit — mas lalo na dahil hindi na nakakagulat. ano nang nangyayari pilipinas? gising na ba?”

Continue reading below ↓

May netizens na halatang DDS ang nag-repost ng artcard ng The Philippine Star na itinatampok ang tweet na ito ni Frankie.

Pang-aalipusta ng isang netizen kay Frankie: “Teh, hu u ka ba para i-address ang buong bansa? At saka, alitang personal ng mag kapitbahay naging national issue? E di wow!

“Nga pala, musikera ka?! Anong instrumento gamit mo - lata, tansan, o yero??? Di kami na inform!”

Makikita ring nilaro ang larawan ni Frankie. Nilagyan ito ng tenga at ilong ng hayop.

Umabot sa daan-daan ang mga komento na karamihan at batikos kay Frankie, at idinamay pati ang kanyang pamilya.

Magkakahalo ang pangungutya at pangmamaliit kay Frankie at sa pamilya nito.

Daan-daan din ang shares nito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan takes to Twitter after numerous criticisms are thrown her way by critics, tagging her as a "political pawn," and calling her "walang career," "unsuccessful" and other personal attacks.
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results